CHUNKY DINUGUAN
Pinoy na pinoy ang recipe natin for today. Dinuguan. Sa amin sa Bulacan ang tawag dito ay tinumis. At katulad ng isa sa nauna kong nai-post na, Pinalabuan naman ang tawag dito sa Batangas.
Bakit may Chunky pa sa pangalan? Kasi ba naman nung pinagayat ko sa palengke ang karne na gagamitin ko, napalaki ang hiwa. Sabagay, okay na din ito para maiba naman....hehehehe.
CHUNKY DINUGUAN
Mga Sangkap:
2 kilos Pork Liempo cut into cubes
3 cups of pigs blood
2 cups of vinegar
3 pcs. tomatoes
2 large onion
1 cloves minced garlic
6 pcs. sili pang sigang
salt and pepper
Maggie magic sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang malaking kaserola, igisa sa kaunting mantika ang bawang, sibuyas ay kamatis.
2. Ilagay ang hiniwang baboy, lagyan ng asin at paminta, halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan ng tubig at takpan. Hayaan ng mga ilabng minuto.
4. Ilagay ang suka at takpan muli. Huwag hahaluin para hindi mahilaw ang suka.
5. Hayaan kumulo hanggang sa maluto ang karne.
6. Kung luto na ang karne, ilagay ang tugo ng baboy at siling pangsigang at halu-haluin.
7. Huwag titigilan ang pag-halo kung hindi magbubuo-buo ang dugo.
8. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan.
Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Comments
One quick question, pang-ilang servings ang mga ito? Tipong pang-handaan ba lagi? Or pang-family of 4 lang?
Dennis