Fish and Tofu in Oyster Sauce version 2


Hindi ko akalain na ganito kasarap ang kakalabasan sa luto kong ito. Wala kasing gisa-gisa akong ginawa. Basta tambog-tambog lang and presto tapos ang ulam namin for dinner.

Sa tingin ko dalawang bagay lang kung bakit ito naging masarap. Una syempre ay ang sangkap na pagmamahal....hehehehe. At pangalawa, ay ang oyster sauce na ginamit ko. Mama Sita na brand pala ang ginamit ko (walang bayad to ha...hehehe).

Sa pagluluto kasi, dapat ang unang nasa isip mo ay ang kakain ng iyong niluluto. Dapat nasa puso mo na dapat ay masarapan sila o masiyahan sa iyong ihahain. Sa pamamagitan nito, mas sumasarap ang lutuin kahit pa kulang-kulang ang mga sangkap na ginagamit. At sa palagay ko ay ito ang nangyari sa recipe natin for today.


FISH & TOFU in Oyster Sauce

Mga Sangkap:

250 grams Fresh Tuna Fillet hiwain na pa-triangulo

2 tbsp. flour

1 egg

4 pcs. Tofu or Tokwa - hiwain na pa-triangulo

1/2 cup Oyster sauce

1/2 cup spring onions cut into 1 inch long

3 pcs. calamansi

salt and pepper

1 tbsp sugar

1 tsp. cornstarch

Maggie magic sarap

1 small sachet Ginisa mix

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap. Hayaan ng mga ilang minuto.

2. Sa isang bowl, batihin ang itlog at ilagay ang harina. Timplahan ng asin at paminta. Haluin ng haluin hanggang sa smooth na ang mixture.

3. Sa isang kawali magpainit ng mantika at i-prito ang tokwa. Hanguin sa isang lalagyan

4. Ilubog ang fish fillet sa pinaghalong harina at itlog at i-prito sa mantika. Hanguin kasama ng piniritong tokwa.

5. Sa parehong kawali, ilagay ang white portion ng spring onions. Halu-haluin.

6. Ilagay ang oyster sauce at budbudan ng ginisa mix.

7. Lagyan ng mga isang tasang tubig. Patuloy na haluin

8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Haluin.

9. Ilagay ang asukal. Tikman. Lagyan ng asin at paminta kung kinakailangan. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan to adjust sa tamang lapot ng sauce

10. Ibuhos ito sa ibabaw ng piniritong fish fillet at tokwa.

Ihain habang mainit.

Enjoy!!!!

Note: Pansin nyo yung yellow colored strip na nakalagay sa ibabaw bukod sa spring onions na kasama sa sauce? Yun yung sobrang pinaghalong itlog at harina. Pinirito ko din siya at hiniwa. Ayun nakadagdag ng ganda sa presentation....hehehehe

Comments

Cool Fern said…
wow...napaka innovative mo naman,dennis..
and i agree with you na dapat may halong pagmamahal...keep up the good work,dennis...
Dennis said…
Sayang kasi yung excess na batter...syempre sa panahon ngayon dapat walang naaksaya. Natatawa nga ako nung makita ko yung picture....the food looks more delicious with that toppings....hehehehe


Dennis
marinette_12 said…
I tried this recipe too yesterday and it was a hit with the whole family. Masarap sya talaga!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy