Fish Fillet with Creamy-Mayo-Herbed Sauce


Gustong-gusto ko ang Cream of Dory na fish. Masarap ang laman niya lalo na sa mga lutuing may sauce. Hindi ko alam kung mayroon nito sa mga palengke pero marami nito sa mga supermarket kagaya ng SM, Shopwise o kaya naman sa Rustans. Medyo may kamahalan ng kaunti pero sulit naman kapag natikman nyo na...hehehehehe

Eto ang isang recipe na hindi ko alam kung mayroon na talaga. So inilagay ko ang recipe kong ito as experimental. Nung una kasi dapat i-pi-prito ko siya na may harina at itlog, pero naisip ko masyadong matrabaho. So isip-isip at eto nga ang kinalabasan. Masarap siya. Nagustuhan nga ng anak ng kapitbahay kong si JR. Kung ganun daw kasarap ang ulam niya araw-araw ay baka lumobo daw siya....hehehehe.

FISH FILLET with CREAMY-MAYO-HERBED SAUCE

Mga Sangkap:

1 kilo Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito. Pwede din ang kahit anong white meat fish)

3 pcs. calamansi

1/2 cup mayonaise

1/2 cup Alaska Evap (yung red ang label)

a bunch of spring onions (cut into 1 inch long)

2 tbsp. chopped fresh basil leaves

olive oil for frying

1 tbsp. minced garlic

1 small red onion chopped

1 thumb size ginger grated

salt and pepper

Maggie Magic sarap (optional)


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta, katas ng calamansi at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 1 oras o higit pa.

2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang isda sa olive oil hanggang sa pumula ng kauntin ang mga gilid nito. hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang at siguyas. Haluhaluin

4. Ilagay ang mayonaise, chopped basil at spring onions. Halu-haluin

5. Ilagay ang alaska evap. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

6. Ilagay ang piniritong fish fillet sa sauce at hayaan ng mga 2 minuto.

Ihain habang mainit.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
parang nag luluto ka rin ng sweet n sour fish..
instead of sweet n sour sauce , creamy mayo naman ang pang sauce natin...
ok..try ko 'to
tenks,dennis ha?
Dennis said…
Yung sa sweet nad sour sauce ibinuhos yung sauce sa fish. Ito naman hindi....as in inihalo yung fish naman sa sauce. In this way, mas kumapit yung lasa ng sauce sa isda. Take note simpleng prrito lang ang ginawa sa isda.

Dennis
Cool Fern said…
ah ok..tenks masyado,dennis ha?
marinette_12 said…
Ang sarap pala nitong recipe na ito, dennis. I tried it yesterday at nagustuhan ng family ko specially my son na napaka pihikan sa food. I added a little more milk though para dumami ang sauce yan kasi ang hilig nya. Thanks!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy