GINISANG MUNGGO na may TINAPA



Ito ang isa sa mga ulam na gulay na gustong-gusto ko. Kahit na bawal sa akin ito ay nagluluto pa rin ako kahit paminsan-minsan lang...hehehehe. Medyo nagsasasakit na kasi ang aking mga rayuma at atritis kaya naman bawal ang mga mabubutong pagkain...hehehehe. Ang tanong, bakit kapag Biyernes nakagawian natin munggo at pritong isda ang ulam? hehehehe....hulaan nyo.

Itong recipe nating ito ay ayos na ayos naman sa mga nagbabawas sa pagkain ng baboy. Wala kasi itong sahog na baboy. Sa halip, hinimay na tinapang isda ang aking nilagay. Masarap. Kasi nandun yung smokey taste at langhap ng tinapa. Bukod sa matipid itong ulam, masasabing masustansya ito at masarap.

Try nyo ito. At syempre, masarap na ulam ito kasama ang piniritong isda na may sawsawang calamansi, suka at toyo. Panalo ang kain nyo sa ulam na ito. hehehehehe


GINISANG MUNGGO na may TINAPA

Mga Sangkap:

250 grams Green Monggo beans

2 pcs. medium Tinapang isda (Himayin ng maliliit)

2 taling Dahon ng Ampalaya

4 cloves minced garlic

1 large red onion chopped

2 medium size tomato chopped

1 Knorr Pork cubes

Maggie Magic Sarap

asin o patis

Paraan ng Pagluluto:
1. Isang araw bago lutuin ang munggo, ibabad ang ito sa tubig. (Para madali itong lutuin pag pinakuluan.)

2. Sa isang kaserola, pakuluan ang munggo hanggang sa madurong

3. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.

4. Ilagay ang hinimay na tinapang isda. Halu-haluin at lagyan ng kaunting tubig. Hayaang kumulo.

5. Isalin ang ginisang tinapa sa nilutong munggo. Halu-haluin at muling pakuluan.

6. Timplahan ng asin at maggie magic sarap. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto para lumasa ang ginisang sangkap sa munggo.

7. Ilagay ang dahon ng amplaya. Halu-haluin.

Ihain kasama ang piniritong isda.

Sarap ng kain ko nung ito ang ulam namin....hehehehe. Kaya lang eto...masasakit na naman ang mga daliri ko at likod....hehehehe. Okay lang. Paminsan-minsan lang naman ito...hehehehe

Till next....

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
OMG..i missed this monggo..i love this one...
sarap na sarap talaga to ,dennis...
keep up the good work,dennis.
Dennis said…
Thanks CoolFern...:)

Wala bang nabibili na green monggo dyan? Pero totoo ka...alam mo masarap talaga ito monggo na ang sahog ay tinapang isda. Lasang-lasa kasi yung smokey taste. Sarap nito...hehehe
han said…
masarap din po yan pag nilagyan ng chicharon ung monggo.. ^^
Anonymous said…
oo dagdag sarap ang may chicharon
Dennis said…
Mismo! Actually bukas monggo ulam namin. hehehe. Pero di ko nilagyan muna ng chicharon Biyernes eh..wala muna baboy. hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy