PASTA CARBONARA version 2


Nung isang araw ni-request ng kapitbahay kong si Ate Joy na ipagluto ko siya ng Pasta Carbonara. Birthday kasi ng kapatid niyang madre na si Sister Mercy. Dadalhin daw niya sa kumbento. Komo ang supiryorya ni sister ay isang Italyana, minarapat kong sarapan talaga ang lutuing ito syempre para hindi naman tayo mapahiya. Pinakumpleto ko talaga ang mga sangkap. So eto nga ang kinalabasan.
PASTA CARBONARA version 2
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
250 grams smoked ham cut into strip
250 grams bacon cut into small pieces
2 cans Nestle all purpose cream
1 tall can Alaska Evap (Red label)
1 tall can Sliced mushroom
1 bar cheddar cheese grated
1/2 cup butter
2 large red onion chopped
1 cloves minced garlic
salt and pepper
Maggie Magic Sarap (Optional)
olive oil
Paraan ng pagluluto:

1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-over cooked. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang bacon hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan
3. Ilagay ang butter at igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay na rin ang sliced mushroom.
4. Ilagay na rin ang ham at halu-haluin ng mga isang minuto.
5. Ilagay ang all purpose cream, alaska evap at kalhate ng grated cheese
6. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Halu-haluin
7. Lagyan ng olive oil ang pasta at i-toss
8. Ilagay dito ang sauce at halu-haluin
9. Ilagay sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bacon at natitira pang cheese.
Ihain na may kasamang toasted garlic bread o bread stick.
Enjoy!!!

Comments

Che said…
I enjoy visiting your blog. Ang sasarap ng mga menu at ang sipag nyong magpost. Kayo ba ang chef sa bahay nyo? I'm sure your wife and your kids all enjoy your food. I hope you don't get tired of uploading your recipes. Keep up your good work! By the way do you have a recipe for Pork Hamonado? Thanks!
Dennis said…
Hi Che...thanks for visiting may blog.

Hanggat may nagbi-visit at nag-ko-comment na kagaya mo...hindi ako magsasawa na mag-post pa ng mag pagkain na alam kong lutuin.

Yup...may recipe ako ng pork hamonado....check mo lang under Pork labels.

Regards,

Dennis
Che said…
I'm glad you have a recipe. Sayang walang measurements, mahina pa naman ako sa tancha-tancha :D I guess I just have to experiment. Thanks ha.
Dennis said…
Wala bang nakalagay? Well sabi ko nga, wala naman talagang exact na recipe or measurement sa pagluluto. Basta alam mo ang basic na sangkap...tanya-tantyahan lang...depende na sa iyong panlasa.

At yun nga ang masaya dun...yung thrill sa kakalabasan ....hehehehe


Dennis
nerie matienzo said…
This comment has been removed by the author.
nerie matienzo said…
I'm so grateful that i have found your blog...thanks for sharing all your recipes, i've learn a lot of your recipes and your really a big help to all mommy's like me, i really loves to cook especially pastas b'coz pasta are my kidz favorites..more power and God Bless your Family ^_^

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy