PASTA with HAM and BASIL




Remember yung posting ko about sa na-udlot na get together ng mga classmates ko nung high school? Eto ang isa sa dapat iluluto ko para sa kanila. Kaya ayun, naging breakfast namin ito last Saturday at may kasamang mainit na pandesal. Sarap....hehehehehe.



PASTA with HAM anf BASIL

Mga Sangkap:

500 grams. Spaghetti pasta

250 grams Sweet Ham cut into strips

1 cup Fresh basil Leaves chopped

1 cup grated cheese

3 tbsp. minced garlic

1 large onion chopped

1/2 cup olive oil

1/2 cup butter

salt and pepper

1 8gram sachet maggie Magic sarap (optional)


Paraan ng pagluluto:

1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-over cooked.

2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter

3. Ilagay ang ham at chopped basil leaves. Halu-haluin

4. Ilagay ang gibisang sangkap sa nilutong pasta.

5. Lagyan ng asin, paminta, maggi magic sarap at olive oil. Halu-haluin hanggang sa kumalat sa pasta ang mga sahog.

6. Tikman. Lagyan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

Ihain na may grated cheese sa ibabaw.

Masarap ito kainin kasama ng toasted bread o mainit na pandesal.


Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy