PORK STEAK with Dried Basil

Lagi kong sinasabi (para sa akin ha), walang eksaktong recipe sa mga pagkaing ating niluluto. Kung baga, ang recipe ay guide lamang kung ano ang mga kinakailangan at kung papaano ito lulutuin. Di ba nga marami tayong pagkain na maraming version? Depende kasi ito kung nasaan kang lugar at kung ano ang available na sangkap sa lugar na yun. At lagi ko ding sinasabi, kailangan natin ng kaunting imahinasyon at eksperimento para makabuo tayo ng isang masarap na lutuin. Mainam ito para maiba naman ang ating kinakain sa araw-araw. Ikaw nga, ordinary food with a twist.

Ganito ang ginawa ko sa recipe natin for today. Instead na ordinaryong prito o bistek ang luto na gawin ko sa porkchop, bakit hindi ko lagyan ng twist. At eto nga ang nangyari. Isang masarap na pork steak na hindi pangkaraniwan ang sarap.


PORK STEAK with Dried Basil

Mga Sangkap:

1 kilo Pork chop

Juice from 6 pcs. calamansi

1/2 cup soy sauce

1 tbsp. Dried Basil

1 tbsp. minced garlic

1 large red onion chopped

1 large red onion cut into rings

salt and pepper

1 tsp. cornstarch

maggie magic sarap (optional)


Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang porkchop sa asin, paminta, at dried basil ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.

2. Sa isang kawali, i-prito ang porkchop sa kaunting mantika haggang sa pumula lang ng kaunti ang karne. Ilagay sa isang lalagyan.

3. I-prito din ang onion rings hanggang medyo luto na. Hanguin sa isang lalagyan.

4. Sa kaparehong kawali, igisa ang ang bawang at sibuyas.

5. Ilagay ang piniritong porkchop, ilagay ang toyo at kaunting tubig. Hayaan kumulo hanggang sa lumambot at maluto ang karne

6. Ilagay ang calamansi juice at maggie magic sarap. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

8. Ilagay sa ibabaw ang onion rings bago ihain.


Ihain habang mainit.

Enjoy!!!!

Marami pang susunod......abangan!!!

Comments

♥peachkins♥ said…
Uy mukhang masarap ito. Napansin ko lang, mahilig ka sa Maggie magic sarap,sana bayaran ka nila no? o kaya padalhan ka nila ng 1 year supply.Libre ang advertisement.

heehee..joke
Dennis said…
Hehehehe...Alam mo peachkins, mula ng matutunan kong gumamit ng maggie magic sarap, na-inlove na ako sa pag-gamit nito. Kahit ano kasing klase ng pagkain napapasarap pa lalo nito. I-try mo din para malaman mo.

Keep on visiting my blog...thanks..


Dennis
det said…
hi, agree ako jan, masarap nga ang maggi magic sarap, nung na try ko din siya lagi na akong bumibili...hehehe
Dennis said…
Correct....eto nga nag-email na ako sa nestle..nagre-request ako ng sponsorship.....hehehehe


Dennis
Anonymous said…
Actually po ang Maggie Magic Sarap, kaya masarap ay may chicken fat ito. Tignan niyo ang ingredients. MSG plus chicken fat, di magandang combination lalo na for kids at medyo may edad. Use it in moderation po.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy