PUMPKIN and CHICKEN SOUP
Last June 20, nag-celebrate ng 20th Anniversary ang kumpanyang pinapasukan ko. Ito ay ang Megaworld Corporation. Syempre kapag ganitong mga okasyon hindi mawawala ang kainan. Ang nag-cater ng food namin ay ang sister company din ng company na Shanghai Bistro.
Masarap naman ang lahat ng food (Chinese dishes) at isa sa mga nagustuhan ko ay yung pumpkin and chicken soup nila. Sabi ko sa sarili ko, mukhang kaya ko namang lutuin ito. At yun nga ang ginawa ko the following day. Ito ang soup na niluto ko kasama ang main dish na shrimp & vengie tempura. Try nyo ito, masarap at kakaiba.
PUMPKIN and CHICKEN SOUP
Mga Sangkap:
1 cup grated Kalabasa (or pwede din i-blender)
1 cup giniling na manok
1 pc. Knorr Chicken cube
2 cloves minced garlic
1 medium size red onion finely chopped
3 tbsp. butter
1/2 cup cornstarch
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter
2. Ilagay ang giniling na manok at halu-haluin hanggang sa pumuti ang kulay ng manok.
3. Ilagay ang kalabasa, knorr chicken cubes at timplahan ng asin at paminta.
4. Lagyan ng tamang dami ng tubig at takpan. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
5. Lagyan ng tinunaw sa tubig na cornstarch at maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa at lapot ng soup.
Ihain habang mainit.
Enjoy!
Note: Pwede ding lagyan ng binating itlog para mas sumarap.
Comments