SHRIMP & VEGIE TEMPURA in Mayo-Garlic Dip


Here's another dish na masasabi kong espesyal talaga. Actually, hindi naman masyadong komplikado ang pagluluto nito, pero dahil na rin sa mahal ng hipon o sugpo kaya ito mas naging espesyal. Kagaya nitong niluto ko, 1/2 kilo ito for P200. Sa loob-loob ko, baka mabitin ang asawa ko at mga anak sa pagkain kung konti lang. Ang ginawa ko, nilagyan ko ng extender. Hindi para sa hipon ha kundi mga gulay na pwedeng i-prito din. And you know what? Masarap pala ang vegetable tempura. Sa masarap na timpla ng batter mix, masarap ang kakalabasan. Yun lang ang problema ko hindi ako marunong gumawa ng sawsawan ng tempura. Wala ako nung mga sangkap. So ang ginawa ko, mayo-garlic na lang. At masarap din pala ito dito. Try nyo ito, masarap talaga lalo na pag-bagong luto.


SHRIMP & VEGIES TEMPURA in MAYO-GARLIC DIP


Mga Sangkap:

1/2 kilo Hipon o Sugpo (alisina ang ulo at balat)

Sliced carrots, kalabasa, patatas, kamote or baguio beans (dapat manipis lang ang hiwa)

1 cup all purpose flour

ice cold water

1 egg

3 pcs. calamansi

salt and pepper

maggie magic sarap

2 cups japanese bread crumbs

cooking oil for frying

toothpick


For the dip:

1 cup mayonaise

2 cloves mince garlic

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang hipon sa asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap. Hayaan ng mga ilang minuto

2. Lagyan ng toothpick ang hipon sa gitna para hindi mag-curl sa pagpi-prito.

3. Sa isang bowl, paghaluin ang harina, cold water at itlog. Lagyan din ng kaunting asin, paminta at maggie magic sarap. Halu-haluin hanggang sa mag-mix na ang lahat ng mga sangkap. Dapat medyo malapot ang mix para kumapit ang breadcrumbs.

4. Magpakulo ng mantika. Dapat lubog ang hipon na ipi-prito.

5. Isa-isang i-lubog ang hipon sa batter mix at saka igulong sa japanese breadcrumbs at saka ihilog sa kumukulong mantika. Lutuin hanggang mag-golden brown.

6. Ganun din ang gawin sa mga gulay. Hanguin sa lalagyang may paper towel.

7. Ihain na may kasamang pinaghalong mayonaise, mince garlic, at salt and pepper.

Ihain habang mainit at malutong pa ang balat.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
haaaay naku,dennis, this is my favorite sa japanese restaurant na i-order..
kudos to your blog,dennis
masasarap lahat ang niluluto mo
Dennis said…
Kahit nga yung mga officemate ng wife ko na si Jolly ay puring-puri din ito. Masarap daw...kahit nga daw yung mga gulay. Yun lang di ko pa talaga alam kung papaano gumawa ng talagang sawsawan para dito....hehehehe. Hayaan mo pag natuklasan ko na i-post ko din dito. Ang mahal kaya kumain sa japanese resto....di ba?
Dennis said…
Ofcourse for a change masarap din yung mayo-garlic dip.....mas lalong sumarap yung tempura....hehehehehe
Jen said…
Paburito ko rin ito. Mukhang masarap nga ang dip. Salamat sa receta.
Dennis said…
Thanks jen for visiting....You may add also cheese dun sa dip para mas masarap.
Cool Fern said…
i think ang sawsawan nila is yong japanese na toyo and rice vinegar..halo mo lang ang rice vinegar n kikoman..hindi kasi matapang yong kanilang rice vinegar..esp seasoned rice vinegar nila...
Dennis said…
Medyo may kamahalan kasi yung mga ganitong sawsawan e hindi mo naman laging ginagamit....Pero siguro i-try ko din minsan....hehehehe. Thanks Cool fErn

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy