Sinampalukang Manok: My childhood version


Maraming pagkaing Pilipino ang mayroong maraming version. Katulad ng sinigang, may sinigang sa sampalok, mayroon naman sa kamyas, yung iba nga sa bunga ng santol o kaya naman sa calamansi. Siguro nangyayari ito depende na lang sa kung ano ang marami sa lugar na pinaglulutuan. Salamat at nauso ang mga instant sinigang mix..hehehehe. Pero syempre, iba yung lasa kung sa tunay na sangkap ito manggagaling.

Katulad ng recipe natin for today. Nung bata pa ako, natatandaan ko, laging nagluluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung tag-ulan. Marahil ay dahil sa pa-usbong ang mga puno ng sampalok dahil sa ulan. Inuutusan ako ng Inang ko na manguha ng usbong nito para ilagay niya sa sinampalukang manok bilang pang-asim. At alam nyo, ang sarap-sarap nito lalo na kung mainit na mainit ang sabaw. Masarap din ito kung native na manok ang gagamitin.


SINAMPALUKANG MANOK

Mga Sangkap:

1 whole Chicken cut into serving pieces

100 grams. Usbong ng Sampalok (Gayatin ng pino)

1 taling sitaw

2 thumb size Ginger cut into strip

2 medium tomatoes

3 pcs. siling pang sigang

1 tbsp. minced garlic

1 large onion chopped

1 tbsp. achuete seeds

Sinigang Mix (optional kung gusto nyo lang ng mas maasim)

Maggie Magic Sarap

salt or patis


Paraan ng pagluluto:

1. Igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa isang kaserola na may kaunting mantika.

2. Ilagay ang manok at timplahan ng asin o patis. Halu-haluin at isangkutsa. Takpan ng mga 2 minuto.

3. Ilagay ang usbong ng sampalok at lagyan ng tubig na pang sabaw. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok.

4. Kung malapit ng maluto ang manok, ilagay ang sitaw at siling pang-sigang. Hayaang kumulo hanggang sa maluto.

5. Timplahan ng sinigang mix, asin o patis at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.


Ihain na may kasamang dinurong na siling pangsigang na mula sa niluto at patis.


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
dennis, ano yang usbong ng sampalok?hindi ba yan ang bunga ng sampalok?kasi ang alam ko bunga ang ginagawang pam pa asim?sorry hindi ako tagalog kasi..i am a cebuana that is why medyo mahirap ang malalim na tagalog sa akin..
Dennis said…
Hindi....yun yung dahon mismo....yung mura pa o yung katutubo pa lang. Kulay yellow green pa ang kulay nito. Marami nito pag tag-ulan...kasi nga nadidiligan ang puno ng sampalok at madaling mag-usbong ito.

Pwede mo ding gamitin yung ordinary bunga ng sampalok as pang-asim...pero sabi ko nga...iba ang linamnam nito lalo na pag-mainit ang sabaw....hehehehe

Till next...

Dennis
Cool Fern said…
tenks for the info,dennis..
sige next time,i'll try using the usbong..
hindi pa ako naka gamit nito sa mga luto ko..
ang dami kong natutunan sa 'yo ha?
salamat ng marami,dennis...
Dennis said…
Ang tanong...may usbong o puno ba ng sampalok dyan sa inyo? hehehehehe. But I tell you masarap talaga ito. Bu,abalik nga sa ala-ala ko nung araw na nagluluto nito ang Inang Lina ko.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy