SISIG PASTA



Ito ang mainam sa pasta, napaka-flexible niya na lutuin. Ibig kong sabihin, marami kang pwedeng isahog o i-mix dito. Kung baga, endless ang sangkap na pwede mong ilahok dito. May nabasa nga ako sardinas ang inilagay. Minsan naman tinapang isda. Well, nasa sa atin na yun kung gaano ka wild ang imagination natin.....hehehehe.

Kagabi, may natira pa kaming sisig, so naisip ko lang bakit hindi ko isama ito sa pasta? At eto na nga ang kinalabasan. Sisig Pasta. Try nyo ito. Kung may pizza na sisig flavor why not pasta with sisig? Masarap ito....promise.


SISIG PASTA

Mga Sangkap:

250 grams. spaghetti pasta

1 cup cooked Pork Sisig

1 tsp. minced garlic

1 small onion chopped

1 tsp. chopped fresh basil leaves

1/2 cup grated cheese

1 tbsp. butter

olive oil

salt and pepper

Maggie magic sarap (optional)


Paraan ng Pagluluto:

1. Iluto ang pasta sa naayong paraan. I-drain at ilagay sa isang lalagyan.

2. Sa isang kawali, igisa sa butter ang bawang at sibuyas.

3. Ilagay ang sisig at chopped basil leaves at halu-haluin

4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap

5. Ilagay ang nilutong pasta at halu-haluin

6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.


Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Tried this today! The recipe was sooo great. My family and friends loved it on a rainy Sunday. Thank you for sharing this one-of-a-kind recipe. 'Til next recipe! :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy