TALANGKANIN (Aligue Rice)



RN-0609-07

Nanonood ba kayo ng teleseryeng Only You sa Channel 2? Yung ang bida ay sina Angel Locsin, Sam, Milby at Diether Ocampo. (Showbiz ano po? Hehehehehe). Doon ko nakuha ang recipe natin for today. Actually, wala naman talaga exact recipe na pinakita dun. Basta ang ginawa ko lang kinuha ko yung pangunahing sangkap at yun ay ang taba ng talangka.



Natatandaan ko nung araw, kapag ganitong tag-ulan, usong-uso ang talangka sa aming bayan sa Bocaue. Ito yung maliliit na crab na masarap ang aligue at inilalamas sa mainit na kanin. Burong talangka ang tawag sa amin dito. Binubuhusan lang ng kumukulong tubig ang talangka at presto yun na ang ulam naming.

Ganito din ang ginawa ko sa recipe na ito. Madali lang, pero masasabi ko at maipagmamalaki ko na masarap talaga.


TALANGKANIN (Aligue Rice)

Mga Sangkap:

4 cups na lutong kanin (Jasmin rice ang ginamit ko ditto)
½ cup taba ng talangka (Yung bottled na nabibili sa supermarket)
1 tbsp. minced garlic
1 medium size onion chopped
2 tbsp. butter or margarine
Salt and pepper
Maggie magic Sarap
4 pcs. Calamansi
250 grams. Hipon o sugpo (alisin ang ulo at balat)
4 eggs

Paraan ng Pagluluto:

- I-marinade ang hipon sa asin, paminta at Maggie magic sarap
- Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang mga itlog sunny side up. Ilagay sa isang lalagyan.
- Sa parehong kawali, i-prito din ang hipon sa butter. Hanguin sa isang lalagyan
- Sa kaparehong kawali pa rin, igisa ang bawang at sibuyas.
- Ilagay ang taba ng talangka, halu-haluin at lagyan ng kaunting tubig.
- Timplahan ng kaunting asin, paminta at Maggie magic sarap
- Ilagay ang kanin at halu-haluin hanggang mag-pantay na ang kulay nito.
- Pigaan ng kalamansi at halu-haluing muli.
- I-hulma ang kanin sa isang cup o bowl at ilagay sa isang plato.
- Lagyan ng piniritong itlog at hipon sa ibabaw.

Ihain habang mainit.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
hi,dennis, long time na hindi ako nakabisita dito..
ang sarap sarap nitong recipe mo na 'to..
i just love this..
Dennis said…
Oo nga na miss kita....nasa US ka na ba ulit? Sayang naman at hindi tayo nagkita.

Yup...masarap ang entry ko na ito. Sabi ko nga gagawa ulit ako nito sa Fathers Day...ipag-luluto ko ang sarili ko.....hehehehe

Thanks ulit Cool Fern
Cool Fern said…
oo andito na ako sa CA..
sayang nga at hindi tayo nagkita..
ulan at bagyo kasi nong anjan ako..
halos nasa daanan lang ako palagi ..
sige araw araw na naman akong bibisita dito sa 'yo
keep up the good work
Dennis said…
Thanks Cool Fern....na miss ko nga yung mga comments mo....hehehehe


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy