TAPUSAN SA BATANGAS
Taun-taon, tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, ipinagdiriwang sa buong Pilipinas ang tinatawag nating Santa Krusan at Flores de Mayo. Ito ay ang pagbibigay puri sa ating Inang si Maria. Pero marami ang nagkakamali sa pagtawag sa pagdiriwang na ito. Akala nila ay pareho lang ito. Ang Santa Krusan sa pagkakaalam ko ay ang prusisyon ng matagumpay na pagkakatagpo ni Reyna Elena sa krus na pinagpakuan kay Hesus. Ang prusisyong ito ay binubuo ng mga sagala na may mga titulo katulad ng Reyna Banderada, Reyna Hustisya, Reyna Delos Flores at marami pang iba. Ang Flores de Mayo naman ay sagala ng mga naggagandahang dalaga ng baryo na may dalang mga bulaklak na iniaalay nila sa imahen ng Birheng Maria.
Sa lugar ng aking asawa sa Lapo-lapo 2nd, San Jose, Batangas, taun-taon ay ginagawa nila ang katulad nitong pagdiriwang ngunit ang tawag nila dito ay Tapusan. Di katulad sa amin sa Bocaue, Bulacan, 9 na araw na novena ang ginagawa at sa ika-9 na araw dun ginagawa ang sagalahan. Dito sa Batangas iba. Buong buwan ng Mayo ay ginagawa nila ang pag-aalay ng bulaklak kay Maria. Sinisimulan nila ito sa mga paliwanag ng gawain at ang pagdarasal ng Santo Rosaryo. Pagkatapos nito ay mag-aalay na ng bulaklak ang mga bata at ang may nais nito. Sa huling araw ng Mayo o Mayo 31, ito ang huling araw ng pag-aalay ng bulaklak. Dito sa araw na ito rin ay naghahanda ang mga tao ng masasarap na pagkain para sa kanila mga bisita. Tunay lang na kakaiba talaga ang kaugaliang ito nating mga Pilipino at lalo pa ang pagmamahal natin sa ating Inang si Maria.
Ang larawan pala sa itaas ay kuha ko bago magsimula ang misa sa chapel o ang tawag nila dito ay tuklong.
Mga pamangkin ng asawa ko ito kuha matapos din ang misa ng pasasalamat. From left, sa likod si Jake, Jacky, Joanna, Tisot at asawa kong si Jolly.
Syempre sa mga pista o tapusan sa baryo, mawawala ba ang mga pagkain na inihahanda. Eto ang ilan sa handa ng kapatid ng asawa si Kuya Alex at asawa niyang si Ate Myla:
Una, Shrimp in Chili Garlic Sauce. Dalawang klase yung luto naginawa nila dito. Yung isa nilagyan pa nila ng Sprite.
At ito naman ay kare-kareng buntot ng baka. Ako ang nag timpla nito. Yun lang napasobra ang palambot sa buntot ng baka. Pero masarap ito.
Ito naman ay fried lapu-lapu. Nilagyan ko ito ng sweet and sour sauce.
Ito naman ay piniritong Maya-maya. Di ko alam kung anong luto ang gagawin dito. Pero pinirito muna nila ito.
Una, Shrimp in Chili Garlic Sauce. Dalawang klase yung luto naginawa nila dito. Yung isa nilagyan pa nila ng Sprite.
At ito naman ay kare-kareng buntot ng baka. Ako ang nag timpla nito. Yun lang napasobra ang palambot sa buntot ng baka. Pero masarap ito.
Ito naman ay fried lapu-lapu. Nilagyan ko ito ng sweet and sour sauce.
Ito naman ay piniritong Maya-maya. Di ko alam kung anong luto ang gagawin dito. Pero pinirito muna nila ito.
At syempre, mawawala ba ang pinalabuan sa mga handaang katulad nito. Kung baga sa kanila, its a must ang lutong ito kasama na ang adobo at afritadang baboy.
Marami pang handa ang hindi ko nakuhanan ng picture. May calderetang kambing din, fried chicken, lumpiang shanghai na ako din ang nag-timpla at nag-balot. Meron ding dessert na fruit salad.
Ito ang masarap sa kaugalian nating itong mga Pilipino. Talagang mabubundat ka sa kabusugan sa mga masasarap na pagkain na inihahanda nila. At may pilitan pa ha para ikaw ay kumain....hehehehe.
Hanggang sa susunod na kainan...hehehehe.
Comments
pati dito sa sto.tomas
kaya sa darating na halalan si Arman Sanchez ang iboboto ko,
im proud to be batangueno