Tokwa at Kalabasa in Oyster Sauce
Eto ang isang pagkain na ayos na ayos sa mga nagda-diet o kaya naman sa mga taong nagbabawas sa pagkain ng baboy. Bukod pa sa napakadali nitong lutuin, simple lang ito pero masarap. At matipid din...hehehe. Magkano lang naman ang kalabasa at tokwa? Masarap ito sa pritong isda o pritong porkchop. Pero pwede din itong kainin as isang ulam. Try nyo masarap ito. Ano ba naman ang hindi sasarap pag may oyster sauce na kasama? hehehehe.
TOKWA at KALABASA in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1/4 kilo Kalabasa cut into small cubes
3 pcs. Tokwa cut also into small cubes
3 tbsp. Oyster Sauce
1 clove minced garlic
1 small red onion chopped
salt and pepper
Maggie Magic Sarap (Optional)
Paraan ng Pagluluto:
1. I-prito ang tokwa sa kumukulong mantika. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika o butter.
3. Ilagay ang kalabasa... timplahan ng asin at paminta...lagyan ng kaunting tubig at takpan.
4. Kung malapit ng maluto ang kalabasa, ilagay ang tokwa at oyster sauce. Halu-haluin
5. Timplahan ng maggie magic sarap. Lagyan pa ng asin at paminta kung kinakailangan ayon sa inyong panlasa.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit.
Till next...marami pang susunod.
Comments
Thanks my friend...
Ask ko lang po kung pwede ito samahan ng chicken? Thanks po!
Thanks for the visit :)