TUNA FILLET with CHEESY ALIGUE Sauce


Hindi ko alam kung may kapareho ang recipe natin for today. Tuna Fillet with Cheesy Aligue Sauce. Ewan ko basta naisip ko lang na gawin ito. Nakabili kasi ako ng fresh na fresh na tuna fillet at naisip ko na masarap ito na i-prito sa butter at kailangan ng masarap na sauce.

Nung una, cheesy herbed sauce ang naisip ko. Although masarap talaga yun, pero nagawa ko na ito at nai-post ko na din dito sa ating blog. So, ng makita ko ang bottle ng aligue na gagamitin ko sana sa aking Aligue Rice, bakit hindi ito na lang ang gamitin ko? Masarap at malasa ito lalo na kung lalagyan mo ng cheese.

At ito na nga ang kinalabasan. And you know what? Nagustuhan talaga ng mga anak ko lalo na ang panganay kong si Jake. Try nyo ito at tiyak kong magugustuhan nyo din.



TUNA FILLET with CHEESY ALIGUE Sauce

Mga Sangkap:

1 kilo Tuna Fillet cut into serving pieces

1/2 cup Aligue ng Talangka

1/2 cup grated cheese

1 cloves minced garlic

1 small onion chopped

1/2 cup butter

1 tsp. dried rosemary

salt and pepper

1 tsp. cornstarch


Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang tuna fillet sa asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang isda sa butter hanggang sa pumula at maluto. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa kawaling pinag-prituhan ng isda, igisa ang bawang at sibuyas.

4. Ilagay ang aligue o taba ng talangka. Halu-haluin.

5. Lagyan ng 1/2 tasang tubig.

6. Ilagay ang cheese at dried rosemary. Halu-haluin. Hinaan ang apoy.

7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Tikman at lagyan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

8. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan to adjust sa tamang lapot ng sauce.

Ihain ang tuna fillet na may sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!


Abangan...marami pang susunod......keep on visiting and sharing this blog.


Thank you!

Comments

Confession Nook said…
mukhang masarap talga to ..anything with aligue...sinfully delicious...ill try looking for aligue in jar...=)
Dennis said…
Yes Confession Nook.... Once ko pa lang na-try ang Aligue in Jar sa pasta and its really a hit sa mga guest ko.....hehehehe.

Hinay-hinay lang sa mga may high blood at mataas ang cholesterol.....hehehehe

Dennis
Che said…
Nakakagutom naman ito. I love fish, kaya lang may kamahalan talaga lalo na ang fresh. Makikikain na lang ako sa inyo, kasi mukhang mahilig kayong magluto ng seafood.. hehe.
Dennis said…
Hi Che!

May kamahalan talaga ang mga sea foods lalo na ang hipon or itong niluto ko na tuna fillet. Naka-tyempo lang ako sa farmers market ng medyo mura. P200 ang kilo ng tuna na nabili ko...tapos yung rekado mo pa....so may kamahalan nga conmpare sa isang ordinaryong ulam. Pero okay na din nasiyahan naman ang lahat sa amin.

Hindi naman kami madalas kumain ng seafoods. Balance ang diet namin....isda, baboy, baka, manok...ikot lang yan sa menu namin.

Tara sa amin ka na kumain...magluluto ako ng Pasta Marina.

Dennis
Che said…
Wow mura nga noong tuna fillet na natiyempuhan nyo kuya (ayan nakikuya na). Thanks sa invite :) Sayang mahal ang pamasahe eh at saka lima kami haha ;)
Dennis said…
Hehehehe...no problem.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy