TURBO BROILED or FRIED PORK LEG



I think may nai-post na akong recipe na ganito din. Yun lang pata talaga yung ginamit ko dun. Dito naman yung part above the knee kaya mas malaman ito. May nakita kasi ako sa supermarket na magandang cut ng leg ng baboy kaya eto agad ang naisip ko na gawing luto. masarap siya....para ka na din kumain ng lechon na may malutong na balat....hehehehe.

Actually dapat pang-fathers day ko ito lulutuin, kaso wala na palang kaming pwedeng iluto sa fridge kaya eto hindi na umabot ng fathers day....hehehehehe.




TURBO BROILED PORK LEG

Mga Sangkap:


About 2 kilos of pork leg


4 na tangkay ng tanglad or lemon grass


2 large onion quartered


1 whole head garlic chopped


1 tsp. whole pepper corn


3 pcs. dried laurel leaves


1 8g sachet maggie magic sarap


1/2 cup rock salt


Paraan ng pagluluto:

1. Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserolang may tubig. Dapat lubog ang pata sa tubig. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot.

A.1 Kung sa turbo broiler lulutuin, i-set ang temperature sa 350 degrees at lutuin ng mga 1 oras.

A.2 Every 10 minutes, pahiran ng tubig ang balat ng pata para mas lumutong ang balat.

B.1 Kung gusto nyo naman na i-prito na lang, mas mainam na ilagay nyo muna sa freezer ang pinalambot na pata bago lutuin. Mas matagal mas mainam. Sa pamamagitan nito, hindi masyadong puputok ang mantika habang pini-prito.

B.2 I-prito ito ng lubog sa mantika. Maaring lagyan ng 1 kutsarang tubig from time to time para mag-bubble ang balat at mas lumutong

Ihain na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng Lechon o kaya naman pinagsamang calamansi, suka, toyo, ginayat na sibuyas at kamatis.

Siguradong bundat kayo sa kabusugan kapag natikman ninyo ito. Walang lang sosobrahan ng kain ang mga may high blood.....hehehehehe

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
dennis,di ba dapat father's day eh pahinga ang mga fathers?hahaha
pahinga ka naman jan..
yong hi skol friend ko sabi niya pahinga daw siya sa paglalaba at pamamalantsa at paglilinis ng bahay...LOL
Dennis said…
Hehehehe.....ang ang father na walang pahinga. Well mas gusto ko naman yung may ginagawa...na bo-bore ako pag naka-higa o nanonood lang ng tv....hehehehe

Isa pa disaster yung naging lunch namin sa Max restaurant nung Fathers day....bukod sa maliliit yung hipon sa sinigang nila...hindi pa fresh...nalalagas yung meat ng hipon....Sayang pakg ang pera kung ganitong ffod ang makakain mo....lessons learned.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy