Turbo Broiled Pork Barbeque (Liempo)


Noong iang araw pa ako natatakaw na kumain ng inihaw na baboy. Kaso, panay naman ang ulan at saan naman ako mag-iihaw? So dalawa lang ang naiisip ko na gawin. Lutuin ito sa turbo broiler o kaya naman i-pan grilled ko. Mas pinili ko na i-turbo na lang, pero syempre iba pa rin talaga ang luto na inihaw sa baga talaga.


Maraming recipe na makikita tayo sa net sa pagluluto ng barbeque. Pero ako, mas pinili ko na i-marinade ito sa paraan na natutunan ko sa aking Inang Lina. Yun bang simpleng timpla lang. Walang kung ano-anong herb and spices. Kaya eto ang kinalabasan. Take note ang sekreto sa masarap na barbeque ay yung pagma-marinade ng karne.



TURBO BROILED PORK BARBEQUE (Liempo)


Mga Sangkap:

1 Kilo Pork Liempo thinly slice and cut into half (Yung di masyading makapal ang taba)

1 head of minced garlic

6 pcs. calamansi (juice)

1/2 cup chopped lemon grass or tanglad (White lower portion)

1 cup of soy sauce

1 tbsp. pamintang durog

1/2 cup brown sugar

salt


Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang bowl at hayaang nakababad ang karne ng mga isang araw or overnight. Mas matagal na nakababad mas mainam.

2. I-ihaw sa baga o lutuin ang karne sa turbo broiler.

3. Pahiran ang karne ng marinade mix every 10 minutes hanggang sa maluto



Ihain na may kasamang sawsawang pinaghalong suka, toyo, calamansi, chopped onion, at sili.



Sarap talaga! Maari ding gamitin ang recipe na ito sa manok.



Enjoy the cooking!!!

Comments

Cool Fern said…
yong liempo ba ,dennis, eh e'to ba yong nasa tiyan na side? yong parang katulad ng ginagawang bacon?kasi eto yong masarap iihaw sa charcoal..tapos uma apoy apoy siya pag sinugba mo?kasi eto ang ginagawa ko noon..i rub mo lang ang baboy (tiyan na side) sa asin at kaunting bawang and ayos na...ipa pa slice mo ng half inch sa matadero pag bumibili ka nito...
Dennis said…
Correct ka dyan...yun nga yun. Basta pili ka lang ng hindi makapal ang taba.

Tama ka...masarap sa inihaw na baboy ay yung sa charcoal talaga...tapos asin, paminta at bawang lang ang pang-marinade. With this hindi natatabunan yung tamang lasa ng baboy.
Anonymous said…
Hi sir, kmusta? akalain mo, naghahanap lng ako timpla inihaw liempo mkita ko p kyo. Im not sure if can remember me, my name is leboy miranda from AMAclc meyc. ay eto pla link ng frindster ko bka marecall nyo http://www.friendster.com/search/user?country=PH&query=leboy+miranda
Ang malamang kilala nyo wife ko c lot-lot kaibigan nila Uro un pong dati SC president.
Cge po sir thx s recipe, try namin.

regards
leboy04@yahoo.com
Dennis said…
Yes ofcourse natatandaan kita....Kamusta naman? Kayo pala ni Lot ang nagkatuluyan. Nakita ko na yung FS mo...and you have a very cute and gwapo boys ha. Ilan na ba ito? Si Lot mas lalong gumaganda...hehehehe. Saan na bayo ngayon? Regards sa kanya... Please keep on visiting my food blog....Many thanks

Sir Dennis
immee said…
hi sir dennis, how about sa lechon manok, ano po yong mga sangkap dito. thanks immee
Dennis said…
immee....hanapin mo yung recipe ng Antons chicken under chicken label.....This is the best chicken rtecipe na nagawa ko.


Dennis
\

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy