BANGUS FILLET & TOFU in BLACK BEAN SAUCE



Here's another dish na first time ko lang na try na iluto. Actually, parang experiment din ang nangyari. Kasi ba naman, wala talaga akong idea kung ano ang lasa ng black beans. Kaya nga ang ginawa ko sa dish na ito, pinirito ko muna yung fillet at tofu at saka ko na lang kako ibubuhos sa ibabaw yung black bean sauce. Although alam ko naman na tama ang mga sangkap na gagamitin ko. At alam nyo ang kinalabasan? Parang isang authentic na chinese food ang kinalabasan. Hehehehehe

Sa bawat entry ko sa food blog na ito, I want to make sure na masarap talaga ang kakalabasan. Kung palpak di ko ito pino-post. Kaya naman todo research ako sa internet para naman di masayang ang mga sangkap na gagamitin ko at ofcourse para naman hindi din ako mapahiya sa inyo. Heheheheh. Mula noong mag-umpisa ako ng food blogging ko ito, araw-araw kong iniisip kung ano pang pagkain ang dapat kong lutuin at ma-post dito. Syempre mas lalo akong ginaganahan kung makikitang kong marami na ang sumusubaybay sa blog na ito.




BANGUS FILLET & TOFU in BLACK BEAN SAUCE


Mga Sangkap:


500 grams Boneless Bangus Fillet

3 pcs. tokwa (yung 2' by 2' na nabibili sa palengke)

1/2 cup Salted Black Beans

1/2 cup Kinchay or Cilantro

3 cloves minced garlic

1 large red onion finely chopped

2 thumb size ginger finely chopped

salt and pepper

1/2 cup brown sugar

1 cup all purpose flour

1 8g sachet maggie magic sarap

1 tbsp. sesame oil

1 tbsp. cornstarch

cooking oil for frying



Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ang bangus fillet ng pahaba o ayon sa laki na nais. Sa tokwa, hiwain ng 1/6 part.

2. Timplahan ng asin at paminta ang isda at hayaan ng mga 15 minutes.

3. Ilagay sa isang plastic bag o zip bag ang isda at lagyan ng harina at maggie magic sarap. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng harina ang isda.

4. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.

5. Isunod na i-prito ang isda hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.

6. Sa parehong kawali, bawasan ang mantika. Mag-iwan lamang ng kaunti para pang-gisa.

7. Igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin

8. Ilagay ang black beans. Lagyan mga 1 tasang tubig at hayaang kumulo

9. Lagyan ng asukal. Tikman at i-adjust ang lasa.

10. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

11. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong bangus fillet at tokwa. Lagyan ng chopped kinchay o cilantro sa ibabaw.


Ihain habang mainit.


Enjoy!!!


Note: Ang tamang lasa nito ay yung naglalaban ang alat at tamis ng sauce. No need to put salt sa sauce kasi maalat na yung blck beans. More sugar the better.

Comments

Anonymous said…
Hi Dennis, I'm a mother of three living in Pampanga. I tried this recipe" bangus fillet and tofu with black bean sauce" and I was satisfied with the taste. Thanks for sharing your brilliant ideas in cooking. Regards to your family.
Dennis said…
Thanks Anonymous at nagustuhan mo ang luto kong ito. Please share this food blog with all of your friends so pati sila matulungan kahit papano sa pagluluto. Balato mo na lang sa akin yun....hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy