CHICKEN MENUDO


Napansin nyo ba yung mga nakaraan kong posting na mga classic na lutuin kagaya ng caldereta, embotido, morcon? Di ba ang original na mga sangkap nito ay baboy o kaya naman ay baka. Pero ang ginawa ko for a change manok ang ginamit ko. At it's a success. Ofcourse, iba pa rin ang orig. Pero dun sa mga ayaw na o nagbabawas na sa pagkain ng baboy, ito ang magandang alternative.

Katulad ng recipe natin for today. The classic Menudo pero chicken fillet ang ginamit ko instead na baboy. Gusto ko nga sana lagyan din ng atay ng manok kaya lang hindi na ako nakabili pa. First time kong lutuin ito at nagustuhan naman ng aking pamilya. Try nyo ito. Maari din itong pambaon ng mga bata sa school.



CHICKEN MENUDO

Mga Sangkap:

1/2 kilo Chicken breast fillet cut into cubes (yung walang balat)

1 large carrots

1 large potato

1 large red bell pepper

1/2 cup raisin

1/2 cup green peas

1 cup tomato sauce

1 large onion chopped

1 large tomato chopped

4 cloves minced garlic

1 tsp. dried basil

1 tsp. pepper

1/4 cup soy sauce

1 tbsp. cornstarch

salt to taste


Paraan ng Pagluluto:

1. Hiwain ang carrots, patatas, at red bell pepper ng pa-cubes. Yung kasinlaki ng hiwa ng manok.

2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.

3. Ilagay ang manok...timplahan ng kaunting asin at paminta at halu-haluin.

4. Komo madali namang maluto ang manok, maaring ilagay na ang carrots, papatas at red bell pepper. Ilagay na rin ang toyo at tomato sauce. Halu-haluin. Takpan at hayaang kumulo hanggansa maluto ang manok at patatas.

5. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay na ang green peas at raisin.

6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

7. Tikman at i-adjust ang alat ayon sa inyong panlasa.


Ihain habang mainit pa. Pero katulad ng adobo, masarap ito kung kinabukasan na kakainin...hehehehe.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy