HOTDOGS, POTATO & TOMATO FRITTATA
Ang hirap mag-isip ng mga pang-ulam sa breakfast. Ito pa naman ang pinaka-importanteng pagkain sa isang araw. Nakakasawa na din ang pritong itlog, hotdog, longanisa, daing na tuyo, etc. Tuloy pati ang mga kids nagsasawa na din at hindi na masyadong nakakain ng almusal bago makapasok sa school.
Dito papasok ang pagiging inovative natin sa pagluluto. Kung baga kailangan nating gumawa ng mga twist. Ika nga, ordinary food with a twist. Sa ganitong paraan hindi nagiging boring ang ating simpleng almusal.
HOTDOGS, POTATO & TOMATO FRITTATA
Mga Sangkap:
1 large Potato thinly sliced (parang potato chips na sa nipis)
1 large Tomato same cut as the potato
6 pcs. Jumbo Purefoods Hotdogs
1 tbsp. olive oil
4 eggs beaten
1/2 tsp. dried basil
1 tsp. maggie magic sarap
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, i-prito muna ang hotdog sa kaunting olive oil. Hanguin sa isang lalagyan at i-slice ng pa-pahalang at ayon sa nipis na gusto ninyo.
2. Sa parehong kawali, ilatag ang mga hiniwang patatas. Hayaan ng mga ilang minuto hanggang sa malapit ng maluto.
3. Sa second layer naman ay ilagay ang hiniwang kamatis. Gawin na parang gumagawa ka ng pizza.
4. Sunod na ilagay ang mga hiniwang hotdog. Budburan ng dried basil, asin, paminta at maggie magic sarap.
5. Taktakan din ng olive oil at saka ibuhos ang binating itlog sa ibabaw. Tiyaking natakpan at nalagyan ang bawat singit ng mga sangkap.
6. Hinaan ang apoy at hayaang maluto o mabuo ang binating itlog.
7. Para mabaligtad ang niluluto, kumuha ng plato namas malaki sa bilog ng kawali. Itaob ito sa ibabaw at saka baligtarin ang kawali.
8. Ibalik sa kawali ang niluluto para maluto naman ang kabilang side.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain na may kasamang tomato catsup na may mayonaise.
Enjoy!
Comments