LUMPIANG SHANGHAI



Ang lumpiang shanghai ang isang pagkain pinoy na marahil ay naman natin sa mga Tsino. Pangalang-pangalan pa lang intsik na intsik na. Hindi ko alam kung sa Shanghai ito nagsimula. Pero ayon sa Wikipedia, ito ay dinala sa atin ng mga Intsik mula sa Fujian province sa China. Naging classic na pagkaing Pilipino ito at makikita natin sa alin mang okasyon na may handaan. Kahit nga ang sikat na fastfood chain dito sa Pilipinas na Jollibee di ba may ganito ding ino-offer?



Maraming pwedeng ilagay na palaman sa ating mga lumpia. Nasa sa atin na lang kung papano natin ito papasarapin. Kung baga, endless ang mga sangkap nito. Try nyo ding gumawa ng sarili ninyong version. Malay nyo ito ang maging daan ng pagyaman nyo....hehehehe....wish ko lang.




LUMPIANG SHANGHAI

Mga Sangkap:

1/2 kilo Giniling na Baboy

40 pcs. Lumpia wrapper (yung square ang ginamit ko dito na nabibili sa supermarket)

1/2 cup Red Bell Pepper - Hiwain ng maliliit o pino

1/2 cup fresh wansuy leaves - chopped

1/2 cup Dried mushroom - Ibabad sa tubig at saka hiwain ng pino
1 large red onion finely chopped

1 egg

1 tsp. salt

1 tsp. ground pepper

1 8g sachet maggie magic sarap

1 tbsp. cornstarch

1 tbsp. sesame oil

cooking oil for frying


Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa lumpia wrapper at cooking oil. Maaring kumuha ng konting sangkap at i-prito para matiyak kung tama na ang lasa
2. Balutin sa lumpia wrapper ayon sa nais na laki at haba. Nasa baba ang step by step na paraan sa pagbabalot ng lumpia
a. Lagyan ng tamang dami ng palaman ang lumpia wrapper


b. I-fold ang nasa ibabang parte ng wrapper at ang dalawang gilid
c. Lagyan ng binating itlog ang dulong gilid ng wrapper at saka i-roll ang palaman.


3. Magpakulo ng mantika sa isang kawali.
4. I-prito ang mga lumpiang binalot

5. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika
Ihain na may kasamang catsup or sweet and sour chili sauce

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
bat anonymous yong comment ko earlier?
anyway, ang lumpiang shanghai ko naman ,dennis,merong ginayad na singkamas and carrots..wag lang damihan ng singkamas kasi mag tutubig siya...
at ang paraan ko sa pagbalot eh hindi ko i fo-fold..bale i roll mo lang and then slice mo para sa isang roll eh dalawang lumpia...para finger food siya
Dennis said…
Ikaw ba yun? hehehehe

Ok lang na lagyan ng singkamas...kasi extender din yun. Ang effect niya pag naluto, parang crunchy yung laman....pero yun nga wala naman effect sa lasa. Better lagyan ng kinchay o cilantro or cheese at red bell pepper.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy