MY WIFE JOLLY'S BIRTHDAY - Part 2




Kagaya nung nasabi ko sa Part 1 ng Birthday celebration ng asawa kong si Jolly, narito ang part 2 na gusto kong i-share sa inyong lahat. Lahat ng inihanda para sa kanyang kaarawan ay espesyal. Yung tatlo dito ay nai-post ko na ang recipe. Yung Kani/Cucumber spring roll, pasta carbonara at Turbo broiled Liempo. Paki-tsek nalang ang recipe sa archive. Yung spring roll special request ng may birthday. Yung carbonara naman ay request ng mga kids. Ang ofcourse personal choice ko naman ang turbo na liempo.

Tuwing may kainan dito sa bahay namin, inaasahan ng mga regular guest namin na may bago akong ipapatikim sa kanila. At dalawa nga sa handa ay new recipe ko. Ito ay ang Steamed Tilapia with Black beans at Chicken Embotido na nai-post ko na ang recipe sa munting blog kong ito. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang lahat ng handa. At ang katunayan nito ay ang ubos na handa.....hehehehe


Ang mga kaibigan namin na talaga namang hindi nakakalimot at dumadating talaga kapag inimbita. From left: Carol, kaye, Jors, Ate Glo, the birthday celebrator, nakalimutan ko ang name ng naka-white, si Jenna yung naka-up at si Ate Minda yung nasa likod.

Ang unang bisita na dumating na hindi din nakakalimot basta may okasyon sa bahay. Si Mareng Bheng.


Natapos ang party ng mga 1am na ng Sunday July 19. Kahit puyat at pagod, natutuwa pa rin ako sa kinalabasan ng party ng mahal kong asawa.




I hope next year mas maraming handa ang mai-post ko sa food blog kong ito.


Till next.....


Comments

marinette_12 said…
Eto na pala yung hinihintay kong part 2..nabitin kasi ako sa susunod na kabanata, pasensya na ha. Napaka sweet nyo namang mag asawa parang mister ko rin at ako. Kahit masarap kang magluto mabuti naman at di tumataba si misis parang dalaga pa rin..di bola yan jolly kita naman sa pics, di ba?
Dennis said…
Hehehehe...Thanks Marinette_21.....marami nang nagsabi niyan sa asawa ko...para daw dalaga pa.....hehehehe. Siya ang number 1 critic ko sa mga niluluto...ofcourse proud naman siya sa mga feedback sa akin....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy