PANCIT BIHON GUISADO



Ang pancit marahil ang isang pagkain bukod sa spaghetti ang hindi pwedeng mawala sa isang birthday party or kainan. Para sa marami sa atin, simbulo ito ng long life o mahabang buhay. Ito marahil ang isa sa mga kaugalian na namana natin sa mga Intsik.

Maraming klase ng pancit. May pancit bihon, pancit luglog o palabok, pancit miki, pancit canton at marami pang iba. Nagkakaiba lang ang pancit sa klase ng noodles na ginagamit. Ang sangkap nito ay pare-pareho lang, pero depende na lang siguro kung extra special ang lutong gagawin natin. Basta may gulay ito at karne na maaring manok o baboy.

Pero alam nyo ba kung papaano mapapasarap ang masarap ng pancit? Ito ang ishe-share ko sa inyo sa entry kong ito for today.


PANCIT BIHON GUISADO

Mga Sangkap:

1 kilo Bihon o rice noodles

1/2 kilo Pork Liempo

3 pcs. Tokwa or tofu hiwain ng pa-cube

100 grams Baguio beans

1 large carrots

1 small repolyo

1/2 cup celery or kinchay chopped

1 8g sachet Maggie Magic Sarap

1 large red onion chopped

5 cloves minced garlic

1 tsp. ground pepper

salt to taste

1/2 cup soy sauce

2 tbsp. sesame oil

cooking oil for frying

1 egg

Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, palambutin ang pork liempo sa 5 tasang tubig. Lagyan ng 2 tbsp. asin. Kasabay nito, ibabad sa tubig ang bihon. Kung malambot na ang bihon i-drain ito at ilagay sa isang lalagyan

2. Kung malambot na ang karne, hanguin, palamigin at hiwain sa nais na laki. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.

3. Sa isang kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto. Hanguin at ilagay muna sa isang lalagyan.

4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas

5. Isunod na ilagay ang ginayat na liempo, baguio beans, carrot at tokwa. Halu-haluin

6. Timplahan ng kaunting asin, paminta at maggie magic sarap. Lagyan ng kauting sabaw ng pinaglagaan ng karne at hayaang maluto ang gulay.

7. Hanguin at ilagay sa isang lalagyan ang kalhati ng ginisang gulay.

8. Ilagay ang lahat ng natitirang sabaw ng pinaglagaan ng karne. Ilagay ang toyo at timplahan muli ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

9. Kapag kumulo na, ilagay ang binabad na bihon at haluin ng haluin hanggang sa maikalat na sa bihon ang mga sahog. Maaring mag-adjust sa sabaw. Kung masyado itong marami, bawasan. Kung kulang naman, maaring lagyan ng tubig.

10. Ihalo ang kalhati pa ng ginisang gulay at haluin muli.

11. Hanguin ito sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng ginayat na scrambled egg.

Ihain habang mainit. Pigaan ng katas ng calamansi bago kainin.


Enjoy!!!!


Note: Papano mas mapapasarap ang pancit? Yung pinaglagaan ng karne. Mas mainam nga kung may kasama pa itong buto-buto habang pinapakuluan. Maari din itong gamitin sa iba pang kailangan lutuin.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy