PORK ADOBO with MARBLE EGG


Sino sa atin ang hindi gustong kumain ng adobo? Syempre wala...hehehehe. Sa ating mga Pilipino, part na ng ating mga buhay ang pagkaibn ng adobo. Mapa baboy man o manok, o kaya naman gulay...kahit nga baka o kahit ano man ay pwedeng gawing adobo. May nabasa nga ako balut nilutong parang adobo.....hehehehe.

Maraming variety ng adobo, kung baga, wala talagang exact recipe ang lutuing ito. Nagkakaiba ng mga sangkap at paraan ng pagluluto. Kung baga, endless ang putaheng ito.


Kagaya nitong adobo ko, yup pangkaraniwan na ang may itlog na kasama. Pero itong sa akin iba. Marble egg ang inilagay ko....hehehehe. Papaano ko ito ginawa? Hehehehe..madali lang...basahin nyo sa baba....hehehe.




PORK ADOBO with MARBLE EGG



Mga Sangkap:



1 kilo Pork kasim cut into cubes

1/2 kilo Pork liver cut into cubes

5 hard boiled eggs

2 medium size potatoes quartered

1/2 cup vinegar

1/2 cup soy sauce

1 head minced garlic

1 medium size red onion

1 tsp. ground pepper

2 tbsp. oyster sauce

1 8g sachet maggie magic sarap




Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.

2. Ilagay ang baboy, suka, toyo at paminta. Takpan at hayaang kumulo

3. Basagin ang shell ng nilagang itlog gamit ang kutsara at ilagay ito sa pinapalambot na karne. Hanggat maari dapat lubog ito sa sabaw ng niluluto

4. Kung malapit ng lumambot ang karne, maari nang hanguin ang mga itlog.

5. Ilagay ang patatas. Kung malapit na itong maluto saka ilagay ang oyster sauce at maggie magic sarap.

6. I-adjust ang lasa ayon sa inyong nais.



Ihain habang mainit pa kasama ang binalatang itlog. Notice yung itlog parang may design na marble sa white part nito.



Enjoy!!!!


Comments

cool fern said…
hala ganun pala ang kalabasan sa itlog?
naghahalo din ako ng hard boiled eggs sa aking adobo once in a while..
kasi tuwing malambot na ang adobo ko bago ko ihuhulog ang itlog kaya hindi na siya nnag ma-marble effect.
or bale last na siya bago ko ihalo ..yung malambot na ang karne at malapit ng maluto saka ko ihahalo ang itlog...
tenks for the tip,dennis..
Dennis said…
No....ilaga mo muna ang itlog..tapos saka mo babasagin yung shell using spoon. Ilalagay mo yung itlog with a crack shell sa niluluto mong adobo. Mas mainam kung hindi masyado malalaki ang crack. Tapos dapat lubog siya sa sabaw ng adobo para [umasok sa loob yung toyo na nagbibigay ng marble effect dun sa itlog.

Okay ito para sa presentation ng ating classic Adobo.

Dennis
Cool Fern said…
sino naman nag turo sa yo na ganito?
i mean saan mo nalaman ang marble effect na yan?
curious lang ako?
kasi ako, sa yo ko lang nalaman..
tenks for sharing ha?
Dennis said…
Hahahaha....actually nabasa ko din lang yan sa isang food blog din. Sa mga chinese natutunan nung author kung papano gumawa ng marble eggs. Ang original na ginagamit sa pag-gawa nito ay tea o tsa-a.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy