STUFFED PORK BUTTERFLY
Here's another dish na experimental. May nabili kasi ako na pork na butterfly cut. Ito yung parang pork chop ang hiwa pero walang buto at masyadong taba. Mabibili ito sa mga supermarket kagaya ng Shoemart, Rustans o Shopwise. Medyo may kamahalan lang kasi nga choice cut ito.
Dapat sana fresh basil leaves at cheese ang ipapalaman ko dito, kaso di ako naka-bili ng basil. Kaya eto, ham at cheese na lang. Pero alam nyo? Masarap ang kinalabasan...try nyo ito..
STUFFED PORK BUTTERFLY
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Butterfly cut (about 10 pcs.)
5 slices of square sweet ham (hiwain sa dalawa)
10 slices of cheddar cheese
6 pcs. calamansi
1 8g sachet maggie magic sarap
1 egg beaten
2 cups flour
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang karne sa asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal mas mainam
2. Palamanan ng ham at cheese ang karne. Maaring lagyan ng toothpick para maisara ang gilid ng karne
3. Ilubog ito sa binating itlog at saka igulong sa harina.
4. Maaring ilubog ulit sa itlog at sa harina at saka ihulog sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.
5. Hanguin sa isang lalagyan na may paper tower para maalis ang excess namantika
Ihain na may kasamang catsup o mayo-garlic dip.
Enjoy!!!
Comments