TURBO BROILED TUNA BELLY



TURBO BROILED TUNA BELLY

Masarap ang entry natin for today. Turbo broiled tuna belly. Tamang-tama ito lalo na sa mga nagda-diet. Ofcourse, hindi diet ito sa bulsa. hehehehe. Medyo may kamahalan din kasi ang isdang ito. Kagaya nitong niluto kong ito para sa aking bisitang balikbayan, kulang P200 na yung nakikita nyo sa picture. Pero kahit may kamahalan, sulit naman talaga ang lasa, lalo nat tama ang timpla na inyong gagawin dito. Syempre, ang sawsawan hindi dapat mawala. The best ito....try nyo.


Mga Sangkap :

750 grams Tuna Belly

1 tsp. Dried Basil

1 tsp. Dried Rosemary

1 tbsp. salt (to taste)

1 tsp. ground pepper

1 tsp. Maggie Magic Sarap


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang bowl, pagsamahin lahat ng sangkap maliban sa tuna belly. haluin

2. Gilitan o hiwaan ang laman ng isda para madaling makapasok ang mga pampalasa

3. I-kiskis ang pinaghalong sangkap sa buong tuna belly. Lagyan ang mga paghitan na hiniwaan.

4. Hayaan muna ng mga 1 oras.

5. Maari itong i-ihaw o lutuin sa turbo broiler

6. Hanguin kung sa tingin ninyo ay luto na ang isda. Huwag i-overcooked


Ihain na may kasamang pinaghalong calamansi, suka, toyo, ginayat na sibuyas, ginayat na kamatis, kaunting asin at asukal. Maaari ding lagyan ng siling maanghang kung nais.


Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy