BOLA-BOLA in SWEET & SOUR Sauce
Almondigas o Bola-bola na may misua at patola ang dapat sana ang lulutuin ko sa giniling na baboy na ito. Nakabili na ako ng mga sangkap maliban na lang sa patola. Nang tanungin ako ng asawa ko kung ano ang ulam, sabi ko almondigas nga. Ayaw daw niya nun. I-prito ko na lang daw. Kaya eto, para naman hindi maging plain na bola-bola, nilagyan ko na lang ng sweet and sour sauce. Alam nyo ba? Nagustuhan ng mga anak ko ang luto kong ito. Lahat silang tatlong naka-dalawang balik ng kanin at humirit pa ng 1 pang bola-bola.....hehehehe.
Nakakatuwa lang na nagugustuhan ng mga mahal mo sa buhay ang niluluto mo o kahit na ano sigurong ginagawa mo. Di ba? Iba ang pakiramdam nung may nakaka-appreciate ng effort na ginagawa mo. Thanks to my kids.....hehehehe
BOLA-BOLA in SWEET & SOUR Sauce
Mga Sangkap:
Para sa bola-bola:
500 grams Giniling na Baboy
1 small carrots finely chopped
1 large red onion finely chopped
1/2 cup dried mushroom (ibabad sa tubig at hiwain din ng pino)
1/2 cup chopped wansuy or kinchay
1 tbsp. sesame oil
2 eggs beaten
1/2 cup cornstarch
salt and pepper
1 8g sachet maggie magic sarap
cooking oil for frying
For the sauce:
1/2 cup tomato catsup
2 tbsp. cornstarch
1 thumb size ginger (hiwain na parang palito ng posporo)
1/2 pc. carrot (hiwain din na parang paliuto ng posporo)
1/2 red bell pepper (parehas na hiwa ng carrots)
1 small onion
2 cloves minced garlic
2 tbsp butter
3 tbsp. sugar
salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin lahat ng sangkap ng bola-bola maliban sa cooking oil.
2. Gumawa ng mga bola-bola ayon sa laki na nais ninyo. Ilagay sa isang lalagyan.
3. Sa isang kawali, i-prito ang mga bola-bola hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Para sa sauce: Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
5. Isunod na ilagay ang carrots at red bell pepper
6. Ilagay ang catsup at kaunting tubig. Timplahan ng asin, paminta at asukal.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Tikman ang i-adjust ang lasa ayon sa inyong panlasa.
9. Ibuhos ang sauce sa piniritong bola-bola
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Dennis