CHICKEN ALA KING
Isa ito sa mga paborito kong luto sa chicken....although first time kop pa lang itong i-post dito sa blog. Ang hindi ko malaman, ano ang pagkakaiba nito sa chicken pastel? Parang pareho lang ang sangkap at pamamaraan ng pagluluto. Well, basta chicken ala king ito....hehehehe.
I checked several internet sites for the recipe of this chicken pastel. Taka ako bakit iba-iba ang recipe at pamamaraan kung papano nila ito lutuin. Ang ginawa ko, kinuha ko yung lahat ng sangkap na common sa lahat ng recipe at yun ang ginamit ko sa dish na ito. Masarap ang kinalabasan at pwedeng ihanda sa mga espesyal na okasyon. Try it!
CHICKEN ALA KING
Mga Sangkap:
750 grams or 3/4 kilo Chicken Thigh Fillet cut into serving pieces
1 small can Alaska Evap (Red label)
1 medium size red bell pepper
1 medium size sweet green bell pepper
1 small can sliced mushroom
4 cloves garlic minced
1 large red onion chopped
1/2 cup butter
2 tbsp. cornstarch
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok. Hayaan ng mga 1 oras.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang manok sa butter hanggang sa pumula ng kaunti ang balat ng manok.
3. Itabi sa gilid ng kawali ang manok at igisa ang bawang at sibuyas. Haluin kasama ng mga manok.
4. Ilagay ang sabaw ng mushroom..takpan...at hayaang maluto sa loob ng mga 5 minuto.
5. Ilagay ang red at green bell pepper, mushroom at gatas na evap. halu-haluin.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch sa tubig.
7. Tikman at i-adjust ang timpla ayon sa inyong panlasa.
Ihain kasama ng toasted bread o kaya naman ay mainit na kanin.
Enjoy!
Comments