CHICKEN FILLET with LEMON GRASS


Ang orihinal na plano ay magluto ng isang vietnamise na dish na nabasa ko lang sa isang food blog din dito sa net. Dapat Chicken fillet in lemon grass and tamarind sauce ang dish na ito. Ang nangyari, nakalimutan kong lagyan ng tamarind mix. Kaya ang nangyari, eto with lemon grass na lang....hehehe. Pero alam nyo masarap pa rin ang kinalabasan. Parang chicken teriyaki pero lutang na lutang yung lasa at aroma ang tanglad o lemon grass.

Try nyo ito. Kakaiba ang sarap at lasa. Ito nga ang baon ko kahapon. Talagang nalalasahan ko pa yung lasa ng tanglad....hehehehe



CHICKEN FILLET with LEMON GRASS

Mga Sangkap:

500 grams Chicken fillet

1/2 cup chopped lemon grass (yung white lower portion)

1/2 cup cilantro or wansuy chopped

1/2 cup soy sauce

1/2 cup muscova sugar or brown sugar

2 thumb size ginger grated
1 large red onion chopped

4 cloves minced garlic
6 pcs. calamansi

salt and pepper

2 tbsp. cooking oil

1 tbsp. cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang chicken fillet sa katas ng calamansi, asin at paminta. Hayaan ng mga 1 oras.

2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas, tanglad at luya sa mantika. Halu-haluin.

3. Ilagay ang manok...halu-haluin at hayaang masangkutsa. Takpan at hayaan ng mga 2 minuto.

4. Ilagay ang toyo at muscova or brown sugay. Hayaan ng mga 5 minuto. Maaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.

5. Lagyan ng tinunaw na cornstarch. Tikman at i-adjust ang lasa.

6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped wansuy sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy