EGGPLANT & BEEF LASAGNA
Hindi ko akalain na ganito kasarap ang kakalabasan ng lutuing kong ito. Nung una nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ito o ibang recipe na lang kagaya ng arroz ala cubana ang gagawin ko. Although, kumpleto naman ang mga sangkap na gagamitin ko meron pa rin akong pag-aalinlangan. Una, papano ko lulutuin yung talong? ipi-prito ko ba o ilalaga?
First time ko lang na lutuin ito. Ofcourse yung lasagna talaga nailuto ko na. Pero dito, talong ang ginamit ko pamalit dun sa pasta.
EGGPLANT & BEEF LASAGNA
Mga Sangkap:
500 grams Ground Beef
2 large Eggplant (hiwain ng maninipis..bahala na kayo kung gaanong kahaba ang nais ninyo)
250 grams Mix Vegetables (carrots, green peas, corn)
1 tetra pack Del Monte Tomato and Cheese Pasta Sauce
1 tsp. dried basil
1 8g sachet maggie magic sarap
1/2 bar Cheese grated
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. I-steam ang mga hiniwang talong. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas.
3. Ilagay ang giniling na baka, timplahan ng asin, paminta at dried basil. Halu-haluin hanggang sa mawala na ang kulay pula sa karne. Hayaan ng mga 5 minuto
4. Ilagay ang mix vegetables at tomato and cheese sauce. Halu-haluin
5. Lagyan ng mga 1/2 cup na cheese o mas marami pa.
6. I-adjust ang timpla ayon sa inyong panlasa.
7. To assemble: - Sa isang plato, mag hilera ng mga 3 slice na nilutong talong.
- Lagyan ng nilutong giniling sa ibabaw ng talong
- Lagyan ng cheese at latagan ulit ng talong sa ibabaw.
8. Maaring i-bake sa oven o kaya naman ay sa turbo broiler hanggang sa matunaw lang ang cheese sa ibabaw.
Ihahin na may kasamang garlic or tasted bread. Masarap din ito sa kanin.....hehehe
Enjoy!!!
Comments
Dennis