LAING - Bicol's Pride


Napanood nyo ba yung movie ni Aga at Claudine na "Kailangan Kita" ang title? Yung ang setting ay ginawa sa Bicol mismo at ang backdrop nila ay ang famous Mayon Volcano. It also features yung mga pagkaing Bicol katulad ng recipe natin for today ang Laing. Hindi ko makalimutan yung isang scene dun kung saan nagpaturo si Aga kung papano magluto ng masarap na Laing. Sabi nung matanda na tatay pala ni Aga in the movie, "Alam mo pare-pareho lang naman ang pag-luluto ng laing. Yung sa akin lang, sa bawat piga ko ng gata...sinasamahan ko ito ng pagmamahal". Parang ganun... hehehehe. Kaya nga di ba ito ang battle cry ko sa food blog kong ito?

Dito sa recipe kong ito, hindi ko masyadong nilagyan ng sili. Baka kasi hindi makain ng mga bata kung masyadong maanghang. Also, natatandaan nyo yung Tengaling na niluto ko? Yung ibang part ng ulo ang ginamit ko dito sa laing na niluto ko. Masarap naman talaga lalo na pag maraming karne na sahog...hehehehe



LAING - Bicol's Pride


Mga Sangkap:


250 grams Dried Gabi leaves

1/2 kilo Pork kasim cut into cubes

2 cups Kakang gata ng niyog

2 cups Gata (Ikalawang piga)

5 pcs. Siling pang sigang

1 thumb size ginger

1 large onion chopped

1 head minced garlic

Salt and pepper

1 8g sachet maggie magic sarap (optional)



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin

2. Ilagay ang Pork cubes. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin

3. Lagyan ng tubig na tama lang para mapalambot ang karne.

4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang tuyong dahon ng gabi. Halu-haluin.

5. Ilagay ang ikalawang pigang gata at siling pang-sigang. Halu-haluin. Hayaang maluto ang dahon ng gabi.

6. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

7. Ilagay ang kakang gata. Halu-haluin at hayaang kumulo ng mga 2 minuto.



Ihain habang mainit.



Enjoy!



Note: Nasa sa inyo kung gaanong kaanghang o dami ng sili ang gusto nyong ilagay. Yung karne pwede ding i-prito muna bago lutuin ang laing. Dito kasi sa recipe na ito, hindi ko pinirito ang karne. HInayaang kong kumatas ang lasa niya habang pinapakuluan para lumasa sa kabuuang luto. TY



Comments

Cool Fern said…
may karne pala yang laing?
kala ko gabi leaves lang lahat?
is this different from bicol express?
Dennis said…
May karne din...yung iba isda naman ang nilalagay. Sabi ko nga maraming variety ang laing...depende na lang din siguro sa nagluluto. It's different from bicol express. Nag bicol express sili ang pinaka-gulay...walang gabi leaves.

Dennis
Cool Fern said…
ahhhh ganun ba yon?kala ko talaga parehas lang ang bicol express and laing..
tenks for the knowledge

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy