LECHONG KAWALI
Ang Lechon ang isang dish na pinoy na pinoy talaga. Sa mga handaan, hindi mawawala ang ito sa hapag kainan. Kung baga, kung may pambansang pagkain, siguro para sa akin, lechon yun. Yun nga sa mga espesyal na handaan lang natin ito natitikman kasi nga may kamahalan din. Pag may handa ka nito bigtime ang okasyon mo....hehehe
May posting na akong nagawa before na niluto ko naman sa turbo broiler. At masarap at parang lechon na tunay ang lasa. At higit sa lahat, iwas ka na matalsikan ng kumulong mantika habang nagpi-prito....hehehehe. Itong entry natin for today, ito talaga ang lechong kawali. Ang sekreto para di masyadong magtilansikan ang mantika? Ilagay muna ang nilagang karne sa freezer ng mga ilang araw bago i-prito. Kung baga, from the freezer direct sa kumukulong mantika sabay takbo...hehehehe.
At alam nyo kung ano ang ka-terno ng lechong kawali na ito? Eto, Kangkong in Oyster Sauce. Wow! Napalakas na naman ang kain ko ng gabing ito...hehehehe. Bonus Recipe ko ito para sa inyo.
LECHONG KAWALI
Mga Sangkap:
1.5 kilo Porl Liempo (Piliin yung manipis lang ang taba)
4 tangkay na tanglad (Gayatin yung white portion para mas lumasa)
2 pcs. dried laurel leaves
1 large onion quartered
1 head garlic
1 tsp. pepper corn
1/2 cup rock salt
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Ilagay sa isang kaserola ang lahat ng sangkap maliban sa mantika. Lagyan ng tubig at pakuluan hanggang sa lumambot.
2. Hanguin sa isang lalagyan, palamigin at ilagay sa freezer ng mga 3 araw.
3. Kung pi-prito na, Magpakulo ng mantika sa isang kawali na may takip o sa isang kaserola. Dapat lubog ang i-pi-pritong karne.
4. Mula sa freezer, ilagay ang karne sa kumukulong mantika. Takpan para hindi kayo matilansikan ng mantika.
5. From time to time, lagyan ng kanting tubog ang pini-prito para mag-bubble ang balat ng karne.
6. I-prito hanggang sa pumula at lumutong ang balat.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel...palamigin sandali bago hiwain.
8. Hiwain ng pa-cubes at ihain na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng Lechon o kaya naman ay acharang papaya.
Para dun sa Kangkong with Oyster sauce, Mag-gisa ng bawang at sibuyas sa isang kawali...ilagay ang 2 taling kangkong...yung dulong part lang.... lagyan ng 2 kutsarang oyster sauce at 1 kutsarang toyo. timplahan ng kaunting asin, asukal at paminta.....lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Ayan ha may bonus pa....hehehehe. Ang cost ng side dish na ito? 25 pesos lang...good for 4 person na....hehehehe. Try it too!!!
Enjoy!!!
Comments