PAN GRILLED CHOPS with CREAMY HERBED SAUCE
Nakabili ako ng 1 kilo na butterfly cut na baboy sa SM supermarket. Ang orihinal na plano ko ay gumawa ng stuffed pork with basil & cheese. Kaso nung makita ko yung karne lasug-lasug yung laman hindi buo. Nakahiwalay yung taba sa laman mismo. So nabago ang plano, kung itutuloy ko pa, hindi maganda ang kakalabasan although alam kong masarap pa rin. Ang nangyari, eto ginawa ko na lang sauce yung basil at cheese at yung pork inihaw ko na lang sa kawali. But you know what? Masarap pa rin ang kinalabasan. Malambot ang karne at malasa ang sauce. Isa nga pala ito sa handa sa bahay ng may birthday na anak kong si Anton. Try it!
PAN GRILLED CHOPS with CREAMY HERBED SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Butterfly cut Pork (Pwede din yung pork steak cut)
1 cup chopped fresh basil
1/2 bar grated cheese
1 cup alaska evap (yung red ang label)
1/2 cup butter
1 tbsp. Flour
salt and pepper
8 pcs. calamansi
1 8g sachet maggie magic sarap
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa katas ng calamansi, asin, paminta at maggie magic sarap. mas matagal ibabad mas mainam.
2. Sa isang non-stick pan i-ihaw ang karne ng baboy hanggang sa maluto at pumula ng konti ang balat nito. Di na kailangan ng mantika. Kusang lalabas ang mantika sa karne ng baboy. hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang sauce pan, ilagay ang butter at chopped basil leaves. Halu-haluin
4. Ilagay ang Alaska evap. Timplahan ng asin at paminta
5. Ilagay ang grated cheese at tinunaw na harina para lumapot ang sauce.
6. Maaring lagyan pa ng gatas o ng tubig para ma-adjust ang tamang lapot ng sauce
7. Ibuhos ito sa ibabaw ng inihaw na baboy
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments