PENE PASTA with ALIGUE SAUCE
Ang original plan ko para sa pene pasta na ito ay lagyan lang ng creamy basil sauce. Pero nagbago ang plano nung aktwal ko na itong lulutuin. Nakita ko yung bote ng aligue at presto yun ang ginamit ko for the sauce. Sabagay, nung una akong nagluto nito, hindi ko na -enjoy. kasi ubos agad. Kaya naman hindi ako nag-dalawang isip na lutuin ulit ito.
Ito pala ang dinner namin nung nag-birthday ang anak kong si Anton. May niluto din akong manok at pork chops. Abangan nyo na lang yung recipe..hehehe. Lagyan ko ng konting suspense....hehehe.
Try nyo itong pasta dish na ito. Masarap kung may garlic bread na kasama.
PENE PASTA with ALIGUE SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Pene pasta (Lutuin ayon sa tamang paraan)
3 tbsp. full Taba ng talangka
1 cup chopped fresh basil leaves
1 head minced garlic
1 large red onion chopped
1 cup grated cheese
1/2 cup butter
1 8g sachet maggie magic sarap
salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Halu-haluin
2. Ilagay ang chopped basil leaves. Halu-haluin hanggang sa maluto ang dahon.
3. Ilagay ang taba ng talangka. Timplahan ang asin, paminta at magie magic sarap. halu-haluin.
4. Ilagay ang grated cheese. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
5. Ilagay ang nilutong pene pasta. Halu-haluin hanggang sa kumalat ang sauce sa lahat ng pasta.
6. Hanguin sa iang lalagyan at lagyan pa ng grated cheese at chopped basil leaves sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments