STUFFED PORK with 3-HERB SAUCE



Ang recipe natin for today ay masasabing kong parang kapatid ng Beef Morcon. Yun lang pork naman ang ginamit ko dito. Sinabing kong parang kapatid, kasi halos kapareho lang ang mga sangkap na ginamit at paraan ng pagluluto. But ofcourse mas espesyal ang beef morcon.

Dapat sana stuffed basil and cheese ang gagawin ko dito kaso naubusan ako ng fresh basil leaves. Kaya eto ang kinalabasan. Pero alam nyo ang sarap ng kinalabasan. Parang Spanish dish ang dating. Hindi ko alam kung may recipe na ganito basta ang alam ko parang morcon ang luto na ginawa ko dito. Try nyo ito!



STUFFED PORK with 3-HERB SAUCE

Mga Sangkap:


1 kilo Butterfly cut Pork

1 tetra pack Filipino style tomato sauce

2 medium size potato quartered

1 large red bell pepper cut into strips

5 slices square sweet ham cut into half

1 cup pickle relish

1/4 bar cheese cut into sticks


8 pcs. calamansi

1 8g sachet maggie magic sarap

salt and pepper

1 tsp. dried basil

1 tsp. dried rosemary

2 pcs. dried laurel leaves

pantali

4 cloves minced garlic

1 large red onion chopped


Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi. Overnight mas mainam.


2. Bawat isang karne palamanan ito ng ham, cheese, red bell pepper at 1 tsp. pickle relish.


3. Talian ito para hindi lumabas ang palaman. Gawin ang ganito sa lahat ng karne.


4. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin at ilagay isa-isa ang mga pinalamanang karne.


5. Lagyan ng kauting tubig at lagyan ng dried basil, rosemary at laurel leaves. Takpan at hayaan ng mga 15 minuto. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.


6. Kung sa tingin nyo ay malambot na ang karne, ilagay ang patatas at tomato sauce. Halu-haluin at hayaan hanggang sa maluto ang patatas.


7. Tikman at i-adjust ang lasa. Maari nang alisin ang tali sa bawat nilutong karne.


8. Hanguin at hiwain ng palihis. Ihain na may sauce sa ibabaw.


Enjoy!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy