CREAMY CORNED TUNA PASTA
Nasubukan nyo na ba yung bagong labas na corned tuna? Dalawang brand ang meron nito ngayon sa market. Yung San Marino at Century Corned Tuna. Sa dalawang ito mas nagustuhan ko yung sa Century. Mas malinamnam at parang corned beef nga ang lasa. At ang maganda pa dito, marami siyang laman. Konti lang yung oil na kasama.
Dito nabuo ang recipe natin for today. Para maiba naman ang breakfast namin, naisipan kong gumawa ng pasta dish na ito na ang sangkap ay corned tuna. Hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng dish na ito. Okay na okay ito sa mga nagbabawas na sa pagkain ng karne. Try it! Madali lang itong lutuin.
CREAMY CORNED TUNA PASTA
Mga Sangkap:
400 grams. Spaghetti Pasta
1 can Century Corned Tuna
1 brick pack Alaska All Purpose Cream
1/2 cup butter
5 cloves minced garlic
1 large onion chopped
1/2 cup grated cheese
1 tsp. Dried Basil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-overcooked.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3. Ilagay ang corned tuna. Halu-haluin.
4. Timplahan ng asin at paminta.
5. Ilagay ang all purpose cream at dried basil
6. Tikman at i-adjust ayon sa inyong panlasa.
7. Ilagay ang nilutong pasta at halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.
8. Hanguin at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.
Ihain na may kasamang toasted bread o mainit na pandesal.
Enjoy!!!
Comments
Dennis
Tingin ko pwede...mas magiging creamy ang pasta mo niyan at tingin ko mas lalong sasarap. dont forget the butter ha...
Dennis