CRISPY TAWILIS






Ang tawilis ay isang uri ng isda na matatagpuan lamang dito sa atin sa Pilipinas. Ito ay isang maliit na isda na nasa pamilya ng sardinella. Mas lalo akong naniwala sa kasabihang small but terrible. Kahit kasi maliit lang ang isdang ito, malasa at malinamsam ang laman nito. Yun nga lang, talagang pagtyatyagaan mong kainin ito. Masarap itong i-pangat na nakabalot sa dahon ng saging o kaya naman ay i-prito nga. Mura lang itong mabibili sa mga palengke o supermarket. Ito ngang nabili ko 1/2 kilo lang at P55. Ang ginawa ko nga dito ay i-prito to the point ma malutong na malutong siya na kahit ulo attinik nito ay makakain mo.


CRISPY TAWILIS

Mga Sangkap:

1/2 kilo Tawilis

1/2 cup Harina

1/2 cup Cornstarch

1 tbsp. Rice Flour

1 tsp. Salt

1 tsp. ground pepper

1 tsp. Maggie Magic SArap

2 cups Cooking Oil



Paraan ng Pagluluto:

1. Hugasang mabuti ang tawilis at tuyuin sa pamamagitan ng paper towel.

2. Sa isang plastic bag, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa cooking oil.

3. Ilagay ang isda sa plastic bag. Lagyan ng kaunting hangin ang loob. Isarado at alug-alugin ang ito hanggang sa ma-coat ang isda ng mga pinaghalong sangkap.

4. I-prito ito sa kumukulong mantika in batches hanggang sa maluto ng malutong ang isda.

5. Hanguin sa paper towel para maalis ang sobrang mantika.

Ihain na may kasamang sawsawan na suka, asin, bawang at sili.

Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
eto rin ba yong ginagawang sardinas?i thought tawilis are fresh water fish?salt water din ba ito?
just asking...
Dennis said…
No...hindi ito yung ginagawang sardinas...tamban yata yun....pero mag kamaganak sila...hehehehe. Sa tabang na tubig ito nabubuhay...and I think sa Pilipinas ito matatagpuan.
Unknown said…
Thank you very much for this simple recipe which is not so simple to a lot of us beginner cooks. - Marion
Unknown said…
salamat sa recipe . masubukan nga .
Unknown said…
Kinakaliskisan po b ito?
Dennis said…
Wala namang kaliskis ang tawilis...isa pa maliliit lang ito about 2 to 3 inches lang ang haba. No need na kaliskisan.
Unknown said…
Pano linisin? Need ba tanggalan ng hasang at laman yung tiyan?
Dennis said…
Pwede naman...Kung papaano linisan ang karaniwang isda. Yun lang tyaga ka dahil maliliit nga ang isdang ito.
Anonymous said…
matabang ba talaga ang tawilis? dinagdagan ko na ng asin wala pa din sir
Dennis said…
Yup matabang siya komo sa tabang o fresh water siya nahuhuli. Better na alalaya ka lang din sa asin.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy