LECHONG MANOK with HOISIN SAUCE
Sino ba naman ang may ayaw sa lechong manok? Kahit siguro saang mesa ay siguradong ubos ito pag ito ang ulam na nakahain. Sa amin, okay na sa amin ang kalhati ng isang buong manok. Kung baga ginagawa naming dalawang kain ang isang buo. Halimbawa, yung half kainin namin ng hapunan, yung other half naman sa tanghalian kinabukasan.
Pero nitong nakaraang Linggo, after namin mag-groceries, naisipan naming dun na lang sa mall mag-tanghalian. At yun nga, naging baon na lang ng mga bata ang natirang lechong manok. Ang ginawa ko, nilagyan ko ng hoisin sauce para naman hindi maging dry ang left-over na lechong manok na ito. Eto ang aking ginawa:
LECHONG MANOK with HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 Lechong Manok cut into 5 pcs.
3 tbsp. Hoisin sauce
2 tbsp. Soy sauce
4 cloves minces garlic
1 tsp. toasted sesame seeds
1 tsp. Sesame oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang sa kaunting mantika
2. Ilagay ang lechong manok. Halu-haluin
3. Lagyan ng 1/2 cup na tubig at ilagay na din ang toyo. Hayaang kumulo hanggang sa kumonte ang sabaw.
4. Ilagay ang Hoisin sauce. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ang lahat na parte ng manok.
5. Ilagay ang sesame oil. halu-haluin.
6. Hanguin at ilagay sa ibabaw nito ang toasted sesame seeds.
Ihain ng may ngiti sa labi.
Enjoy!!
Comments
anyway, so litsong manok na pala 'to..bale nilagyan mo na lang ng sauce?hindi na ikaw ang nag litson ng manok kung baga?tama ba 'to,dennis?
Dennis
ps. Nakita ko yung mga picts mo sa FB...nice ha. At ang cute ng apo mo.
Thanks
Dennis