TORTANG LUNCHEON MEAT



Ang salitang 'torta' ay may ibat-ibang kahulugan sa iba't-ibang bansa sa buong mundo. Sa Mexico, ito ay isang uri ng tinapay na pinalamanan ng kung ano-anong karne at gulay. Sa parteng South America, ito ay isang uri ng cake na inihahanda sa mga kasal o birthday. Dito sa atin sa Pilipinas, ito ay isang pagkain na hinaluan ng binating itog at kung ano-anong sangkap katulad ng isda, giniling na karne o kaya naman ay gulay. Para din itong omelet or frittata na nagkakaiba na lang sa paraan ng pagluluto.

Sa halip na i-prito ko itong torta na ito sa kawali ay sa baking pan ko ito inilagay at niluto ko sa turbo broiler. Look at the picture..parang pizza ang kinalabasan...hehehehe.


TORTANG LUNCHEON MEAT

Mga Sangkap:

1 can Purefoods Luncheon meat (diced)

3 eggs beaten

1/2 cup grated cheese

1 large tomato chopped

1 large onion chopped

3 cloves minced garlic

2 tbsp. butter

2 tbsp. cooking oil

1/2 tsp. Maggie Magic Sarap

salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.

2. Ilagay ang hiniwang luncheon meat at timplahan ng kaunting asin, paminta at maggie magic sarap.

3. Batihin ang itlog at ilagay dito ang nilutong luncheon meat. Ilagay na din ang cheese at halu-haluin.

4. Sa isang round na baking pan, maglagay ng kaunting mantika at isalang sa apoy. Ikalat ang mantika pati sa gilid ng pan.

5. Ibuhos dito ang mga pinaghalong sangkap at lutuin ng mga 1 minuto sa mahinang apoy.

6. Pagkatapos nito, isalang naman ito sa turbo broiler at lutuin sa 350 degrees sa loob ng 5 minuto o hanggang sa mag-set na at maluto ang itlog.

Hanguin at ihain kasama ang paborito ninyong sinangag o kaya naman ay mainit na pandesal.

Enjoy!!!

Note: Maaring ding haluan ito ng mga gulay katulad ng spinach, basil, patatas o sliced mushroom.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy