ADOBONG SPARERIBS with LIVER SAUCE and BABY POTATOES
Walang Pilipino marahil na hindi kumakain ng adobo. Kung baga trademark na natin itong lahat pagdating sa pagkain. Kung magkakaraoon ng pambansang ulam, adobo marahil ito. Kasi ba naman, kahit saang parte ng Pilipinas ay alam ang lutuing ito. Nagkakaiba na lamang ng pamamaraan ang iba at sa sangkap na ginagamit.
Para hindi naman maging boring ang pangkaraniwan nating adobo, mainam na makaisip tayo ng mga twist na pepwede nating gawin para mas maging espesyal ito. Katulad na lang ng entry natin for today. Nilgayan ko ito ng liver spread at kaunting oyster sauce and viola naging extra special ang ordinaryong adobo.
Try nyo ito....hindi ako mapapahiya....hehehehe
ADOBONG SPARERIBS with LIVER SAUCE and BABY POTATOES
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Spareribs cut into serving pieces1 cup vinegar
1 cup soy sauce
1 tbsp. Oyster Sauce
1 head minced garlic
200 grams Baby Potatoes
2 pcs. laurel leaves
1 tsp. ground pepper
1 small can Reno liver spread
2 tbsp. cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang sa mantika at hanguin kung ito ay golden brown na ang kulay. Ilagay sa isang lalagyan.
2. Ilagay ang spareribs, suka, toyo, paminta at dahon ng laurel. Hayaang kumulo. Huwag hahaluin para hindi mahilaw ang suka. Kapag kumulo na saka ito haluin.
3. Hayaang maluto hanggang sa lumambot na ang karne ng spareribs.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang baby potatoes, liver spread at oyster sauce. Hayaan hanggang sa maluto ang patatas.
5. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at paminta.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.
Ihain na may kasamang mainit na kanin habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments