AFRITADANG MANOK



Before ko gawin ang entry ko na ito for today, nag-browse muna ako sa internet for this afritada recipe. Madami namang lumabas at isa-isa kong binasa. Nakakatawa lang kasi halos pare-pareho ang recipe at procedure nung mga nabasa ko. I mean as in carbon copy. Sino kaya ang original sa kanila? hehehehe. Yung isa pinalit-palit lang ang mga sangkap. hehehehehe.

Itong recipe ko namang ito ay kung papaano ito niluluto ng aking Inang Lina. Kung baga, lumaki ako na ganito ang alam kong luto ng afritada. Nilagyan ko na lang ng iba pang pampasarap para maging mas malinamnam ang finished product.


AFRITADANG MANOK

Mga Sangkap:

1 whole chicken cut into serving pieces

1 sachet(200g) Del Monte tomato sauce

2 pcs. Medium size potatoes quatered

1 large carrots cubes

1 large Red bell pepper cubes

1/2 cup grated cheese

2 small cans Green peas or guisantes

4 cloves minced garlic

1 onion chopped

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin ng mga ilang sigundo.
2. Ilagay ang manok. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Ibuhos ang sabaw ng guisantes sa nilulutong manok. Ilagay na din ang patatas, carrots at siling pula o red bell pepper. Takpan muli.
4. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang tomato sauce. Halu-haluin at hayaan ng mga 5 minuto.
5. Ilagay na din ang grated cheese at green peas o guisantes.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain kasama ang mainit na kanin.
Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
dennis, native na manok mas malasa
Dennis said…
Yes...pero ang native na manok kasi medyo matigas ang meat. So okay yun sa mga may sabaw na dish kagaya ng tinola, sinampalukan o kaya naman arroz caldo.

Ang ginamit ko dito ay yung manok na bagong katay. As in mainit-init pa yung manok ng mabili ko at nakikita mo talaga nung tinatanggalan ng balahibo...hehehehe

Thanks friend


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy