BEEF, TOFU and CHICHARO STIR FRY


Hindi ba lagi kong sinasabi, sa hirap ng buhay ngayon at sa mahal ng mga bilihin, kailangan nating mag-isip kung papaano tayo makakatipid sa ating pang-araw-araw na buhay.
Sa pagkain, pwede naman tayong mag-tipid na hindi nasasakrispisyo ang sarap at kalusugan ng ating pamilya. Isa sa mga lagi kong sinasabi ay ang pag-gamit ng extender para dumami ang ating ulam.
Katulad ng entry natin for today. May kamahalan ang karne ng baka ngayon lalo pat papalapit na ang pasko. Hinaluan ko ng tokwa o tofu at gulay ang kaunting karne ng baka at nakagawa ako ng isang masarap at masustansyang pagkain. Try nyo ito!

BEEF, TOFU and CHICHARO STIR FRY

Mga Sangkap:
400 grams. Beef brisket
100 grams chicharo
4 pcs. Tokwa cut into cubes o pahaba
1 tbsp. soy sauce
1 tbsp. Oyster sauce
1 tbsp. Hoisin sauce
1 tbsp. brown sugar
3 cloves minced garlic
1 medium onion chopped
salt and pepper to taste
cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1. Palambutin ang baka sa isang kaserola na may kaunting asin. Hanguin at palamigin. Ihawin ng maninipis at ilagay sa isang lalagyan.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto. hanguin sa isang lalagyan.
3. Magtira ng kaunting mantika sa kawaling pinag-prituhan at igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang hiniwang baka. Lagyan ng kauting sabaw ng pinaglagaan. Halu-haluin.
5. After ng mga isang minuto, ilagay ang chicharo, ouster sauce, hoisin sauce at toyo. Halu-haluin
6. Ilagay na din ang brown sugar. tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay na ang piniritong tokwa. Halu-haluyin hanggang sa ma-coat ang lahat ng tokwa ng sauce.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

susan said…
hi dennis!

masasarap ang posted recipes dito. kaya lang, yung mga taong sobrang hirap...like P50 or less for 3-member family, nagtatanong ng murang ulam recipes. alam mo, wala pang nagpopost online ng ganoon. baka ikaw ang kaunaunahan if you can post some. thanks in advance!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy