CHINESE SAUSAGES and FRESH BASIL PASTA


Sa pagluluto, importante na matutunan natin ang paghahalo o ang pag-combine ng mga sangkap. Sa pamamagitan nito, nakakagawa tayo ng mga masasarap ng lutuin na kakaiba ang lasa. Nagiging boring kasi kung paulit-ulit na lang ang ating kinakain sa araw-araw. Ito rin ang pangkaraniwang sinsabi sa mga email na natatanggap ko.
Kagaya ng pagkaing pang-almusal. Di ba sabi nga ito ang pinaka-importanteng meal sa isang araw? Umiikot lang tayo sa hotdog, luncheon meat, tuyo, itlog, etc. Kaya nga ang ginagawa ko ngayon, sinasalitan ko ng pasta dish ang aming breakfast.
Kagaya ng entry natin for today. It's a pasta dish na nilahukan ko ng chinese sausages. Ang original plan ay plain pasta dish na basil and garlic. Although masarap din ang pasta dish na ito, sinubukan kong lagyan ng chinese sausage nga at hindi nga ako nagkamali. Masarap ang kinalabasan ng ang niluto.

CHINESE SAUSAGES and FRESH BASIL PASTA
Mga Sangkap:
300 grams Flat pasta noodles cooked according to directions
2 pcs. Chinese Sausages thinly sliced
1 cup chopped fresh basil
1/2 cup Butter
1/4 cup Olive oil
1 head minced garlic
1 cup grated cheese
1 tsp. Maggie magic Sarap
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Lutuin ang pasta noodles ayon sa tamang paraan. I-drain at ilagay sa isang lalagyan.
2. Sa isang wok o kawali, igisa ang bawang sa butter.
3. After ng mga ilang segundo, ilagay na ang chinese sausage at chopped fresh basil. Halu-haluin
4. Ilagay ang nilutong pasta noodles, hinaan ang apoy at haluin mabuti.
5. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Ilagay na din ang olive oil at 1/2 cup na grated cheese. ofcourse mas marami nito mas masarap.
6. Haluing mabuti hanggang ang pasta hanggang sa ma-coat ang lahat na ito.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain at lagyan ng grated cheese sa ibabaw. Masarap kainin ito na may kasamang toasted garlic bread.
Enjoy!!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy