FISH FILLET with MAYO-BAGOONG DIP


Marami na din akong lutuin na nai-post na cream of dory na fish fillet ang gamit. Actually marami ka talagang pwedeng gawin sa isdang ito. May sauce man o kaya naman ay yung may mga dip na kasama.
.
Ito ang entry natin for today. Mayo-bagoong ang ginawa dip para sa fish fillet. At ang sarap ng kinalabasan. Try nyo ito.


FISH FILLET with MAYO-BAGOONG DIP

Mga Sangkap:

500 grams Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito)
2 tbsp. Flour
1 egg
1/2 cup cold water
5 pcs. calamansi
cooking oil for frying
salt and pepper to taste
1 cup Mayonaise
1 tsp. Bagoong Alamang
1 tbsp. Olive oil
1 tsp. Maggie magic sarap

Paraang ng Pagluluto:
1. Hiwain ang fish fillet sa nais na laki.
2. I-marinade ito sa asin, paminta, katas ng calamansi at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 1 oras.
3. Sa isang bowl, batihin ang itlog kasama ang harina at cold water. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Dapat medyo malapot ang kakalabasan ng pinaghalong sangkap.
4. Ihalo ito sa minarinade na fish fillet.
5. I-prito ito sa kumukulong mantika.
6. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
7. For the dip, paghaluin lamang ang mayonaise, bagoong alamang at olive oil.

Ihain ang fish fillet kasama ang ginawang mayo-bagoong dip.

Enjoy!!!

Note: May niluto din pala akong Mojos potatoes na side dish para sa fish fillet na ito. Abangan nyo na lang sa mga susunod ko na posting. Also, huwag nyo masyadong aalatan yung fish fillet. May kaalatan na kasi yung dip.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy