LECHON SA HURNO (Roasted Pork Belly)



Malapit na talaga ang Pasko. Ramdam mo na ang malamig na simoy ng hangin sa umaga. Sa mga mall dagsa talaga ang mga tao. Hindi magkandaugaga sa pamimili ng mga damit at panregalo nila sa pasko. Yung iba nga akala mo nagpa-panic buying na.....sorry ako hanggang panic lang...hehehehe...walang buying....hehehe.


Sa panahong ito, panay ang isip din natin sa kung ano ang ihahanda natin sa ating noche buena at sa media noche. Syempre dapat espesyal. Parte na sa ating mga Pilipino na naghahanda ng lechon sa ating hapag kapag ganitong mga okasyon. Pero sa hirap ng buhay ngayon papano kaya ang gagawin natin gayong pagkamahal-mahal ng lechon. Kahit nga kilo-kilo lang ay mahal pa rin.


E di tayo na lang ang magluto ng lechon natin. Here's another pam-paskong pagkain natin na siyang entry natin for today. Lechon sa Hurno.


Actually, lechong kawali din lang ito less ang mahirap na pagpi-prito. Yes. Same procedure sa pagluluto ng lechong kawali ang pagkakaiba lang ay ang pag-gamit ng oven or turbo broiler. Halos pareho din ito ng naunang kong entry na crispy pata na sa turbo ko din niluto. Ofcourse may pagkakaiba sa entry ko itong lalo na sa kung papaano ko pinalambot ang karne bago niluto sa turbo broiler.




LECHON SA HURNO / ROASTED PORK BELLY


Mga Sangkap:

1-1/2 kilo Pork Belly (Yung hindi masyadong makapal ang taba)

4 na tangkay ng Tanglad o lemon grass

3 pcs. Dahon ng Laurel

2 pcs. Dried Mushroom

1 whole large onion

1 head Garlic

1 tsp. Whole pepper corn

3 tbsp. rock salt



Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap, lagyan ng tubig, dapat nakalubog ang karne ng baboy, at pakuluuan hanggang sa lumambot ang karne.

2. Kung malambot na, hanguin sa isang lalagyan at palamigin. Maaring ilagay sa freezer.

3. Lutuin sa oven o sa turbo broiler na may init na 350 degrees sa loob ng 1 oras o hanggang sa pumula na ang balat.

5. Pahiran ng tubig ang balat ng karne every 5 minutes. Sa pamamagitan nito mapapalutong nito ang balat ng karne na parang tunay na lechon.


Ihain na may kasamang Mang Tomas o Andoks Sarsa ng lechon o ang pinaghalong suka,toyo,calamansi,sibuyas, kamatis at kaunting asukal.


Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy