NOCHE BUENA - Ano ba ang masarap ihanda?

NOCHE BUENA - Ano ba ang masarap ihanda?

Ayon sa wikipilipinas.org, ang Noche Buena ay isang tanyag na kaugaliang Filipino na tumutukoy sa salu-salo o pagdiriwang sa gabi ng bisperas ng Kapaskuhan. Hango ito sa salitang Espanyol na nangangahulugang “magandang gabi” o “banal na gabi” at isa ring kustumbre sa mga bansang Espanyol. Tuwing bisperas ng Kapaskuhan, kadalasan ay matapos ang huling misa ng Simbang Gabi, ay nagtitipon-tipon ang pamilya, kasama ang iba pang mga kamag-anak, para sa isang masaganang hapunan. Kaakibat ng masayang kainan ay magigiliw na awitin, masiglang sayawan, at walang-humpay na kuwentuhan.


Mula nang ako ay magkaroon ng sariling pamilya, nakagawian na namin na ipagdiwang ang pasko at bagong taon sa tahanan ng aking asawa sa Batangas o kaya naman ay sa bahay namin sa Bulacan. Kung sa Batangas kami magpapasko, sa Bulacan namin kami magba-bagong taon.

Kagaya last year, sa Batangas kami nagdiwang ng pasko (larawan sa ibaba). Syempre komo ako ang may alam sa pagluluto ako na din ang nag-set ng menu para sa noche buena.




Ano ang mga handa namin nun? Request ng panganay ko ang Baked Macaroni, personal choice ko naman ang Chicken Inasal. Gusto naman nga pangalawa kong anak ang Crispy Pata. Choice naman ng asawa kong si Jolly ang Garlic Shrimp. Ang bunso ko lahat gusto niya...hahahaha. For the dessert, gumawa lang ako ng Buko Pandan. Yun palang nakikita nyo na nasa bowl ay Chicken Sotanghon soup. Bigay lang yun ng kapitbahay....hehehehe.


Nagbukas din kami ng red wine na nakalimutan ko kung anong brand. Ofcourse softdrinks ang para sa mga bata.


Kasama rin pala namin sa noche buenang yun ang pamilya ng asawa kong si Jolly.


Syempre, pagkatapos ng masaganang kainan, bukasan naman ng regalo ang susunod. Excited ang mga bata sa kung ano ang kanilang matatanggap. hehehehe

Sa title ng entry kong ito, naitanong ko, ano ba ang masarap na ihanda. Ofcourse, komo may noche buena sa unahan ng tanong, pagkain agad ang papasok sa ating isipan.

Yes, yun naman talaga ang ibig kong sabihin. Pero huwag nating kakalimutan, hindi ang klase o sa kung ano ang ating ihahanda sa noche buena. Ang mahalaga ay ang pagsasama-sama ng pamilya, ang pagmamahalan at pagbibigayan. Ano ang silbi ng hamon at keso de bola sa hapag kainan kung wala namang kakain nito at ang bawat miyembro ay may kani-kaniyang lakad o hindi nagkakasundo.

Ano ba ang masarap ihanda? Ang ating sarili...ang ating puso...para mag-mahal at mag-bigay.

Nawa ang tunay na diwa ng Pasko ay suma ating lahat.

Maligayang Pasko!!!!

Comments

cool fern said…
dito,dennis,ang kanilang tradisyon is HAM so ham ang aming ihahanda...simple lang dito sa amerika..isang klase lang and then yun na...with minatamis na camote,corn,and steamed vegies..pwede ring maghanda ng green salad....pie for dessert.simple ano?
Dennis said…
Ang menu ko sa noche buena? Shrimp Alfredo Pasta, Roasted Peking duck (orderin ko lang ito), Liempo Espesyal, Mango Royale, Ham ofcourse....ano pa ba? soon...hehehehe

Abangan...
cool fern said…
mag aabang ako..hahaha...merry xmas sa yo and to your family...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy