PAN-GRILLED PORKCHOPS in THREE HERBS


Mula nang matutunan kong gumamit ng mga herbs and spices, nakagawian ko nang mag-experimento ng mga lutuin na may lahok na ganito.


Ang inam kasi nito, nagiging kakaiba ang lasa ng mga lutuin. Parang nagiging lutong restaurant ito. Katulad na lang ng ordinaryo nating spaghetti. Pag nilagyan mo ito ng dried basil o kaya naman ay dried oregano, nagiging espesyal ang lasa nito.

Maraming klaseng herbs and spices na availabe sa mga supermarket ngayon. Marami kayong pagpipilian at yung iba ay may kasama na ding mga recipes sa label.

Try nyo...nagiging kakaiba ang lasa ng ating ordinaryong pagkain.



PAN-GRILLED PORKCHOPS in THREE HERBS

Mga Sangkap:

1 kilo Porkchops

6 pcs. calamasi

1 tbsp. Dried Rosemary

1 tbsp. Dried Basil

1 tbsp. Dried Thyme

1 tsp. Ground pepper

Salt to taste

1 tsp. Maggie magic Sarap


Paraan ng pagluluto:

1. Pigaan ng calamansi ang porkchops. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng katas ng calamansi ang karne.

2. In a bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa porkchops. Haluing mabuti.

3. Isa-isang bud-buran ang porkchops. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal ma mainam.

4. I-grill ito sa non-stick na kawali o kaya naman ay sa baga hanggang sa maluto.

Ihain ito na may kasamang sawsawan na toyo, calamansi at sili o kaya naman ay hoisin sauce na hinalo sa toyo na may kaunting asukal.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy