Natapos na ang Undas at Pasko naman ngayon ang pinaghahandaan ng marami sa ating mga Pilipino. Mahaba-haba ding bakasyon itong nakaraang Undas at kahit papaano ay nakapahinga ako ng husto. October 31 ay sa Bocaue, Bulacan muna kami pumunta at tanghali naman ng November 1 ay dumiretso naman kami sa bayan ng aking asawa sa San Jose, Batangas. Dito kami nag-stay hanggang November 3. As normal sa mga nanggagaling sa mga probinsya, maraming pauwi ang aking mother in-law pabalik ng Manila. At isa na dito ay itong saging na saba. May uwi din pala kaming suha. Masarap ang saging na saba na ito na galing sa kanila. Hindi kalakihan pero matatamis ito. Pwede nga kainin ito ng ganun na lang. Pero ang naisip ko talagang gawin dito ay maruya. Ilang piling din ang uwi namin. Yung iba ay ginawa kong maruya nga, yung iba naman ay pinirito lang at yung iba pa ay minatamis ko. Masara...
Comments