PASKO sa AMING BAYAN - Ang Simbang Gabi




Ang Pilipinas lamang ang kaisa-isang bansa na nagdiriwang ng pinaka-mahabang Pasko. Nag-sisimula ito sa Simbang Gabi at natatapos naman sa unang lingo ng Enero at tinatawag nating pista ng tatlong hari.

Nakakatuwa naman kasi dahil iba talaga ang feelings sa mga ganitong panahon. Kaya nga sabi ng marami diba…sana araw-araw ay pasko…hehehehe. Ang ate Mary Ann ko nga noong nagtrabaho sa Brunei, kapag nalulungkot daw siya, nagpapatugtog siya ng pamaskong awitin at napapawi nga daw ang kanyang lungkot.

Iba talaga ang hiwaga na dinadala sa atin ng panahon ng kapaskuhan.


Kay sarap alalahanin ang aking kabataan tuwing dumarating ang ganitong panahon. Naikukumpara ko kasi lalo na ngayon na dito na ako sa Maynila namamalagi kasama ang aking pamilya. Oo naman, sa probinsya pa rin kami nagdaraos ng pasko at bagong taon. Pero iba kasi yung buong panahon ng kapaskuhan. At talaga namang ibang-iba sa compare dito sa syudad.

Naaalala ko pa, noon, nakukumpleto ko ang simbang gabi. Sabay-sabay kami ng mga kaibigan kong naglalakad sa malamig na simoy at hamog ng umaga at pumupunta sa simbahan para mag-simba. Pagkatapos nito ay kakain kami ng puto bumbong at bibingka sa labas ng simbahan. Ang nakakatawa, ang iba sa amin ay nakakatulog lang sa loob ng simbahan. Hehehehe…Kaya nga ang tawag naming sa kanila ay simbang puto. Nagigising kasi kapag tapos na ang misa….hehehehe.

Ang isang nakakatawang nangyari pa nung nagsi-simbang gabi kami, ay nung ang pari naman ang makatulog habang nagmimisa. Papano nangyari nun? Hindi ba bago ang sermon may dalawang pagbasa ng salita ng Diyos at isang awit? Sa haba siguro ng pagbasa at sa pagod na din ng pari ay nakatulog ito. Hehehehe. Nung maawit na ang aleluya para sa pagbasa ng ebanghelyo, aba hindi pa tumatayo ang pare. Yun pala ay nakatulog na. Kinalabit na lang siya ng sacristan at parang nagulat pa nung magising…hehehe. Dinaan na lang niya sa tawa nung siya naman ay nag-sermon na.

At eto pa. Huling araw ng simbang gabi. Ito bale yung madaling araw ng December 24. Siguro sa pagod na rin ng pari sa 9 na araw na pagmimisa, after niya mag-bigay ng komunyon, di ba may awit pa yun? Naupo ang pare. Ang ang tagal nang tapos ang awit ay hindi pa rin tumatayo si Father para sa concluding prayer at sa final blessings. Medyo nagkakatawanan na nga ang mga tao dahil nakatulog nga ang pare......hehehe. Ayun, kahit si Father ay natawa sa sarili niya. Sa kakapigil ng tawa niya, hindi tuloy niya nabanggit ang sinasabi sa final blessings at nag-sign of the cross na lang siya...hehehehe. Lumabas ng simbahan ang lahat ng tao na naka-ngiti at nagtatawanan din. hehehehe

Haayy....ang sarap alalahanin ng mga ganitong pagkakataon. Ang Simbang gabi...Bow!

Comments

cool fern said…
merry xmas sa inyong lahat jan,dennis
Dennis said…
Merry Christmas din sa iyo at sa iyong pamilya my friend.

Eto hindi ako masyadong makapag-post at masyadong busy sa darating na pasko. Hindi pa nga ako nakakapag-shopping..(walang pangshopping...hehehehe)

Sabagay...sanay na ako...ilang years na rin na ganun....hehehe

Maligayang Pasko mula sa Pinas!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy