SAGING na SABA: Three Ways
Natapos na ang Undas at Pasko naman ngayon ang pinaghahandaan ng marami sa ating mga Pilipino.
Mahaba-haba ding bakasyon itong nakaraang Undas at kahit papaano ay nakapahinga ako ng husto. October 31 ay sa Bocaue, Bulacan muna kami pumunta at tanghali naman ng November 1 ay dumiretso naman kami sa bayan ng aking asawa sa San Jose, Batangas. Dito kami nag-stay hanggang November 3.
As normal sa mga nanggagaling sa mga probinsya, maraming pauwi ang aking mother in-law pabalik ng Manila. At isa na dito ay itong saging na saba. May uwi din pala kaming suha.
Masarap ang saging na saba na ito na galing sa kanila. Hindi kalakihan pero matatamis ito. Pwede nga kainin ito ng ganun na lang. Pero ang naisip ko talagang gawin dito ay maruya. Ilang piling din ang uwi namin. Yung iba ay ginawa kong maruya nga, yung iba naman ay pinirito lang at yung iba pa ay minatamis ko.
Masarap talaga ito. Yun lang, hinay-hinay sa asukal.....hehehehe
SAGING na SABA: Three Ways
1. MARUYA
Mga Sangkap:
10 pcs. Saging na Saba (hiwain sa gitna ng manipis)
2 pcs. Egg
2 cups All Purpose Flour
Sugar to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang binating itlog, harina, asukal at kaunting malamig na tubig. Haluing mabuti ito hanggang sa maging smooth ang batter.
2. Sa isang platito, maglagay ng nasi na dami ng hiniwang saging at lagyan sa ibabaw ng ginawang batter.
3. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa maluto ang magkabilang side.
4. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng asukal na puti sa ibabaw.
2. MINATAMIS na SAGING na SABA
Mga Sangkap:
10 pcs. Saging na Saba
2 cups Brown Sugar
2 tbsp. Vanilla
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang saging na saba sa 3 tasang tubig. Hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
2. Ilagay ang brown sugar at hayaang kumulo hanggang sa lumapot ng bahagya ang arnibal.
3. Huling ilagay ang vanilla
3. PRITONG SAGING na SABA
Mga Sangkap:
10 pcs. Saging na Saba
White Sugar
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain sa gitna ang bawat saging na saba.
2. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa pumula ang magkabilang side.
3. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng puting asukal sa ibabaw.
Enjoy!!!!

Comments